^

PSN Opinyon

Chinese Trojan horse?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANG lusubin ng mga Griyego ang bayan ng Troy, nagpadala sila ng isang peace offering na malaking estatwa ng kabayo. Akala ng mga taga-Troy sinsero ang mga Griego sa pakikipagkasundo.

Yun pala, sa loob ng estatwa ay mga mandirigmang Griyego na kinagabiha’y naglabasan upang lusubin ang bayan ng Troy na walang kalaban-laban. Ito’y isang estratehiya na puwedeng gamitin ng mga Chinese sa pamamagitan ng pagpapadala kunwari ng mga Chinese students upang mag-aral sa Pilipinas. Nababahala ang gobyerno sa pag­dagsa umano ng mga Chinese students na nag-enrol sa mga pamantasan sa Cagayan Valley na umaabot na raw sa 4,000 katao.

Pero ayon sa Bureau of Immigration, 400 lamang ang bilang ng mga Chinese students na nanatili sa Cagayan dahil ang iba ay distant study program lang ang pinasok. Normal lang ang pagtanggap natin ng foreign students dahil tayo man ay nagpapaaral ng ating mga estudyante sa ibang bansa. Pero may katwiran tayong mangamba at mabahala dahil sa adversarial na pagtrato sa atin ng China.

Maaari nga na wala namang masamang intensiyon ang mga estudyanteng Chino ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Dapat maging maingat ang Bureau of Immigration sa pagpa­papasok ng mga foreigners sa bansa lalo na sa taong galing sa mainland China.

Bago sumiklab ang World War II, dumagsa ang mga Japanese traders sa Pilipinas at nagbukas ng mga bazar. Nang magdeklara ng digmaan ang Japan, nagsipagsuot ng military uniform ang mga Hapones na akala ng mga Pilipino ay mga traders lang.

Mabuti na ang maging mapagmatyag sa pagpasok ng mga dayuhan, lalo na ng mga Chinese.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with