^

PSN Opinyon

Lalaki sa Japan, binugbog ang kaopisina dahil ikinalat nito ang nangyari sa paboritong komiks!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Inaresto ng Kyoto Police department ang isang government employee matapos nitong saktan ang kaopisina dahil ikinuwento nito ang nangyari sa bagong chapter ng paboritong komiks na hindi pa niya nababasa.

Ang insidente ay nangyari noong Pebrero 1 sa tanggapan ng Kyoto District Legal Affairs Bureau. Nakikipagkuwentuhan ang hindi pinangalanang 50-anyos na suspek sa kanyang kaopisina tungkol sa paborito nilang manga o komiks na pinamagatang “Oshi no Ko”.

Ang Oshi no Ko ay isang sikat na manga series na ginawa nina Aka Akasaka at Mengo Yokoyari. Tina­talakay sa manga na ito ang buhay ng mga idol o popstar sa Japan.

Ayon sa isang witness, masayang nagkukuwentuhan ang dalawa tungkol sa naturang komiks nang nabanggit ng biktima ang nangyari sa bagong labas na chapter nito. Hindi pa pala nababasa ng suspek ang latest chapter nito kaya nagalit ito.

Sa sobrang inis ng suspek, sumigaw ito na ayaw niyang makarinig ng “spoilers” tungkol sa “Oshi no Ko”. Pagkatapos ay pinitsarahan nito ang kaopisina at tinadyakan sa baywang.

Ang “spoilers” ay mga detalye tungkol sa isang komiks, pelikula, libro, o TV show na magbubunyag ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento. Ito ay maaaring magdulot ng pagkasira ng karanasan ng mga tao na gustong tuklasin sa kanilang sarili ang isang kuwento.

Dahil sa nangyaring kaguluhan sa opisina, inireklamo ang suspek sa Kyoto Police at kinasuhan ng assault. Ayon sa mga report ng Japanese media, wala namang seryosong injury na natamo ang biktima. Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng ongoing investigation ang Kyoto District Legal Affairs Bureau at pinag-aaralan pa kung anong parusa ang ipapataw sa nambugbog na empleyado.

vuukle comment

KYOTO POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with