^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipagpatuloy ang patrulya sa West Philippine Sea

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipagpatuloy ang patrulya sa West Philippine Sea

Huwag titigil ang Philippine Coast Guard (PCG)sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea. Ipakita sa China na hindi basta-basta matitinag, gaano man kalakas ang tubig na pakakawalan nila. Ipakitang hindi susuko gaano man karami ang humaharang na China Coast Guard (CCG) at Chinese militia. Hindi masi­sindak kahit mabasag man ang bahagi ng barko.

Noong Lunes, nakaranas na naman ng panibagong pangha-harass ang barko ng PCG at ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Walong beses binugahan ng “nakakamamatay” na tubig ang BRP Bagacay ng PCG at saka binangga. Binugahan din ng tubig ang BRP Datu Bankaw ng BFAR at saka binangga.

Sa lakas ng pagbangga sa BRP Bankaw, nabasag ang salamin sa unahan ng barko. Tinamaan din ng pambobomba ang communication at navigation systems ng mga naturang barko.

Sa kabila naman ng mga pangyayari, sinabi ni PCG na wala umanong planong gumanti sa China, sa kabila nang “very fatal” ang pangyayari. Magdadala ng supply sa Scarborough Shoal ang dalawang barko nang maganap ang insidente.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, tatalima sila sa payo ni President Ferdinand Marcos Jr. na manatiling propesyunal at hindi ga­ganti sa CCG sa ginagawang pambobomba ng tubig.

Hanggang kailan magsasawalang-kibo sa ginagawa­ ng China sa mga barko ng Pilipinas. Masyado nang agresibo ang CCG at ang Chinese militia. Kapag na­mataan nilang paparating ang barko ng Pinas na may lamang suplay, nagkukumpulan silang animo’y puk­yutan. At saka bubugahan ng tubig na maaaring ika­matay nang sinumang tatamaan nito. Malaki ang pinsala ng BRP Datu Bankaw at pati umano ang bandila ng Pilipinas ay nabasa at nasira dahil sa malakas na pressure ng tubig. Maghain ng protesta sa ginawang ito ng CCG na paglapastangan sa bandila ng Pilipinas.

Walang balak ang PCG na gumanti pero mariing sinabi ni Tarriela na lalo pa nilang paiigtingin ang pag­papatrulya sa WPS. Ayon pa kay Tarriela, hindi sila mapipigilan ng China at patuloy silang magpapatrulya sa naturang lugar at mamimigay ng ayuda sa mga ­mangingisda, kasabay nang paninindigan na ang WPS ay pagmamay-ari ng Pilipinas.

Tama ang gagawin ng PCG, ipagpatuloy ang pagpapatrulya, huwag matakot at ipaglaban ang teritoryo sa WPS. Hindi dapat patinag sa kalaban.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with