^

Bansa

Bato pinasisibak ni Gadon bilang committee chair

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bato pinasisibak ni Gadon bilang committee chair
Lorenzo "Larry" Gadon on June 28, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Authenticity is different from credibility.”

Ito ang binigyan diin ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon kasabay ng kanyang kahilingan kay Senate President Miguel Zubiri na alisin si Sen. Ro­nald “Bato” Dela Rosa bilang chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

“Iba ang authenticily sa credibility ... Sabi ni Bato authentic daw ‘yun xerox ng report.. but authenticity refers only to the FORM, office form. Anybody can just fill up an office form and claim it is authentic. Kasi office form, pero iba naman ang credibility, if the superior REJECTS the report for lack of credibility then THERE IS NO REPORT EXISTING!!!!,” ani Gadon.

Nakakatawa umano na pinagbabasehan ni Dela Rosa ang mga “tsismis” nang ipilit nitong iprisinta si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales, na tinawag ni President Bong Bong Marcos na “professional liar” at inihalintulad pa sa isang “jukebox.”

Sa batas aniya, itatapon ng judge ang dokumento dahil pawang mga haka-haka at tsismis ang nilalaman nito at walang personal knowledge. Nasasayang ang pera ng taumbayan gayundin ang oras sa pagdinig na wala namang patutunguhan.

Bukod sa pagtatanggal kay Dela Rosa bilang chairman ng komite, nakiusap din si Gadon na pagbayarin ang senador ng nagastos sa mga nakaraang pagdinig, at ipatigil na ang balak pa nitong pagpapatuloy ng imbestigasyon sa paggamit ng isyu sa droga ng Pangulo.

Nagpahayag din ng panghihinayang si Gadon na kawalan na ng mahuhusay na miyembro ng Senado.

LARRY GADON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with