^

Bansa

Mangudadatu: FL ‘di paniniwalaan ‘peace distractions’ sa BARMM

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ni dating Maguindanao governor Esmael “Toto” Mangudadatu na hindi paniniwalaan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga nangyayaring peace distractions sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inihayag ito ni Mangu­dadatu sa isang video message kung saan pinangalanan niya rin ang mga taong gumagawa ng peace distractions.

“Hintuan na niya ang panggagamit kay Unang Ginang. Alam ko naman ang Unang Ginang ay mas mataas ang pinag-aralan sa amin. Huwag ho magpadala. Alam ko naman hindi siya nagpapadala eh,” aniya ni Mangudadatu.

Sinabi ni Mangudadatu na kabilang sa mga kamag-anak niya na “nag-aagawan” sa pinakamataas na posisyon sa BARMM sina Suharto “Teng” Mangudadatu, dating pinuno ng Tesda, at Mariam Mangudadatu, gobernador ng Maguindanao del Sur.

“Si First Lady, tulad ng sinabi ko, professor ‘yan eh, abogada ‘yan eh, lawyer ‘yan eh. Hindi siya magpadikta dun sa isang tao na alam naman niya puro dakdak lang. Puro Pangalan lang ang gagamitin. Puro sa power lang nila. Eh kasi sa totoo lang, maniwala kayo sa akin. Ganun talaga ang ugali nila Teng. Mag name-dropping,” giit niya.

Sinabi pa ng dating gobernador na mara­ming proyekto ang ipinapatupad ng gobyerno sa BARMM.

BARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with