^

Bansa

Suplay ng langis sa mga tatamaan ni ’Pepito’ pinatitiyak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng langis sa mga tatamaan ni ’Pepito’ pinatitiyak
Subalit sa kabila nito, sapat naman ang suplay ng langis sa mga tinamaan lugar tulad ng Ilocos, Cagayan Valley regions at Cordillera Administrative Region (CAR).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) na tiyakin na sapat ang suplay ng langis sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Pepito.

Bukod sa suplay ng langis, nais din masiguro ni  Pangulong Ma­rcos na may sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan at kuryente.

Bukod kay Pepito, tumama rin sa bansa ang nagkakasunod na bagyong Marce, Nika, At Ofel.

Subalit sa kabila nito, sapat naman ang suplay ng langis sa mga tinamaan lugar tulad ng Ilocos, Cagayan Valley regions at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nagpatupad na rin ang pamahalaan ng  price freeze sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene products.

Mananatili ang price freeze ng 15 araw kapag nagdeklara ng  state of calamity.

Nasa ilalim na ng state of calamity ang Cabagan, Isabela; Dilasag, Aurora; at Paracelis, Mountain Province.

DOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with