Pangulong Marcos pinirmahan na 2025 national budget
MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P6.326 trillion national budget para sa susunod na taon.
Ang nasabing halaga ay mas mababa sa orihinal na panukala ng ehekutibo sa Kongreso na P6.352 matapos na i-veto ng Pangulo ang P194 bilyon halaga ng line items na ituturing na hindi naaayon sa priority programs ng administrasyon.
Matatandaan na nakatakda sanang lagdaan noong Disyembre 20 ang pambansang pondo subalit naipagpaliban ito dahil kinailangan munang busisiin ng Pangulo kasunod na rin ng panawagan ng iba’t ibang sektor.
“We take our role as stewards of our taxpayers’ money seriously. And for this reason, after an exhaustive and thorough review, we have directly vetoed over PhP194 billion worth of the line items that are not consistent with our programmed priorities,” pahayag ng Pangulo.
Sa P194 bilyon na-veto ng Pangulo, P26.065 bilyon dito ang halaga ng mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at P168.240 bilyon na nakalaan sa “Unprogrammed Appropriations”.
Sinabi naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay ipapatupad sa pamamagitan ng koordinasyon sa DSWD, DOLE at NEDA para masiguro na hindi magdodoble ang mabibigyan ng ayuda at matitiyak na gaganda ang buhay ng mga benepisyaryo nito.
Sa ilalim ng inaprubahang P6.326 Trilyon, nangunguna pa rin ang education sector (DepEd, SCUs, CHED, TESDA) na P1,055.9-T kasunod ang DPWH P1.007.9-T; DOH P267-T; DILG P279.1-T; DND P315.-T; DSWD P217.5-T; DA P237.4-T; DOTR P123.7-T; Judiciary P64-T; DOLE 39.5-T at DOJ P42.2-T.
- Latest