^

Bansa

Metro Manila binalot ng maruming hangin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila binalot ng maruming hangin
Nabalot ng makapal na usok dulot ng mga paputok ang mga kalye sa Metro Manila partikular sa kahabaan ng Taft Avenue at Kalaw St. sa Maynila na halos mag-zero visibility na, kahapon ng umaga.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Ilang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakaranas ng ‘unhealthy’ hanggang sa ‘very unhealthy’ na kalidad ng hangin, matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon kahapon.

Ang datos ay batay sa naitalang air quality ng IQAir, isang Swiss air quality technology company, hanggang alas-11:04 ng umaga kahapon.

Ayon sa IQAir, ang Maynila ang nakitaan ng pinakamataas na air pollution level sa NCR na may air quality index (AQI) na 218.

Ito ay indikasyon na bawat cubic meter ng hangin sa lungsod ay nagtataglay ng nasa pagitan ng 125.5 at 225.4 micrograms ng pollutants.

Anang IQAir, ang AQI na 218 ay itinuturing na nasa “very unhealthy” range, na nangangahulugan na ang general public ay maaaring makaranas ng kapansin-pansing epekto.

Dahil dito, ang mga sensitive groups, gaya ng mga bata, matatanda, buntis, at yaong may heart o lung conditions, ay pinapayuhang manatili sa loob ng tahanan at magsuot ng face mask.

Kasunod ng Maynila ay ang Makati, Taguig at Parañaque na may AQIs na 166, 159 at 153, na pawang itinuturing na ‘unhealthy.’

Ang mga residente ng naturang lungsod ay maaaring maharap sa negatibong health effects, partikular na ang may heart at lungs condition, na maaaring lumala kung makalanghap ng maruming usok.

Ang Pasig at Marikina naman ay may AQIs na 134 at 118, na ­itinuturing na ‘unhealthy’ para sa sensitive groups.

Ang hindi magandang kalidad ng hangin ay may panganib na hatid sa publiko, partikular na sa vulnerable populations, na maa­aring magresulta sa iritasyon ng mata, balat at lalamunan, gayundin ng respiratory issues.

Ang iba pang lungsod ng NCR, gaya ng San Juan, Caloocan at Quezon City, ay may moderate air quality, na ikinukonsiderang mapanganib sa kalusugan, dahil sa presensiya ng nasa 9 micrograms ng pollutants kada cubic meter ng hangin.

Tanging ang Mandaluyong City ang lungsod na nakapagtala ng magandang kalidad ng hangin, matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon, na may AQI na 50.

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with