Pangulong Marcos ‘di imbitado sa Trump inauguration
MANILA, Philippines — Hindi imbitado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inagurasyon ni US President-elect Donald Trump sa Enero 20.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, tanging siya lang ang dadalo sa inagurasyon ni Trump na gaganapin sa USA Capitol sa Washington,DC.
“Only ambassadors represented in Washington are invited,” giit pa ni Romualdez.
Paliwanag ni Romualdez, bilang polisiya walang head of states ang imbitado sa naturang inagurasyon at tanging mga ambassador lang ang naimbitahan sa Washington.
Dadalo naman si Romualdez sa inagurasyon ni Trump para katawanin si Pangulong Marcos.
Matatandaan na tinawagan ni Pangulong Marcos si Trump para batiin ito sa kanyang pagkakapanalo sa ikalawang termino sa pagkapangulo ng Amerika noong Nobyembre 2024.
- Latest