^

Bansa

DOH: 457 road accidents ngayong holidays, 5 patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH: 457 road accidents ngayong holidays, 5 patay!
Motorcycle riders utilize the exclusive motorcycle lane to navigate heavy traffic along the westbound lane of Commonwealth Avenue in Quezon City on December .
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 457 ang kabuuang bilang ng mga aksidente sa kalsada na naitala nila ngayong holiday season, na nag­resulta sa pagkamatay ng limang indibidwal.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang bilang ay kinabibilangan ng 39 na bagong kaso, at naitala lamang simula Disyembre 22 lamang hanggang 6:00AM ng Disyembre 30, 2024.

Mas mataas ito ng 38% kumpara sa naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Sa kabuuang bilang naman ng road accidents, 322 ang kinasangkutan ng mga motorsiklo at 76 sa naaksidente ay nakainom ng alak, habang 393 ang hindi gumamit ng safety accessories.

Sa limang nasawi, tatlo ay dahil sa motorcycle accident.

Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na palagiang magsuot ng helmet at seatbelt kung sasakay ng motorsiklo o anumang uri ng behikulo.

Kung nakainom naman ng alak, dapat na iwasan ang ­pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.

Dapat ding sundin ng mga drivers ang speed limits at road signs, at tiyaking may sapat na tulog bago magmaneho.

Sakaling magkaroon ng emergency sa ­kalsada, maaa­ring tumawag sa 911 ­emergency hotline o 1555 DOH emergency hotline.

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with