^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dumadagsa ang shabu

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dumadagsa ang shabu

Nakaaalarma na ang pagdagsa ng shabu sa bansa. Halos araw-araw ay may nakukumpiskang shabu ang mga awtoridad pero sa kabila niyan, patuloy pa rin ang pagdating at tila hindi naman mabatid kung saan nanggagaling ang talaksan ng droga na karaniwan ay shabu. Palaisipan kung bakit mahirap matunton ng mga awtoridad ang pinagmulan ng shabu.

Hanggang ngayon, ang nasabat na shabu sa Alitagtag, Batangas noong nakaraang linggo ay hindi pa alam kung saan at kung kanino nanggaling. Mahina na ba ang pang-amoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)? Unang sinabi ng PDEA na P13.3 bil­yon ang halaga ng shabu na nasabat sa checkpoint subalit makalipas ang ilang araw, sinabing P9.68 bilyon lang ang halaga.

Bago ang pagkakasabat ng shabu sa Batangas, nahuli naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babae nang tangkain nitong i-claim ang isang parcel na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P218-milyon. Nakilala ang claimant na si Cristine Tiranes. Galing ang shabu sa Harare, Zimbabwe.

Natimbog naman ng QCPD-District Drug Enforcement Unit ang isang abogado at ang kasama nitong babae dahil sa pagtutulak ng shabu. Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Camilo Montesa IV at Ma. Victoria Balajadia. Nakuha sa kanila ang 202 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon. Ayon sa pu­lisya ang dalawa ay nasa drugwatch list ng Directorate for Intelligence. Nahuli ang dalawa sa isinagawang drug buy bust operation.

Malubha na talaga ang problema sa illegal drugs sa bansa sapagkat pati abogado ay pinasok na ang pagtutulak ng droga. Mahirap maimadyin na ang isang tini­tingalang propesyon ay masasangkot sa masamang gawain. Sabagay, may mga pulis nga na nagre-recycle ng droga. Kahit malaki na ang suweldo ng mga pulis, natutukso pa ring mag-recycle ng shabu.

Noong Oktubre 2022, isang pulis ang nahulihan ng 1-toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa lending office nito sa Tondo, Manila. Nakilala ang pulis na si Sgt. Rodolfo Mayo dating miyembro ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) ng Manila Police District. Nasibak naman ang buong puwersa ng PDEG dahil sa cover-up ng droga na nasamsam kay Mayo.

Palala nang palala ang problema sa illegal na droga at tila wala nang katapusan ang pagdagsa nito sa bansa. Madaling nakalulusot sa kamay ng mga awtoridad. At kung may masamsam naman, marami rin ang nanana­kaw ng mga scalawags na alagad ng batas at muling ibabalik sa kalye para pagkaperahan nang malaki.

Paigtingin sana ng PDEA ang kampanya sa illegal na droga at matunton ang pinanggalingan nito. Kung hindi makikita ang pinagmulan ng droga, magpapa­tuloy ang pagdagsa nito at maaraming Pilipino ang masi­sira ang buhay.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with