^

PSN Opinyon

Gout at mataas ang uric acid

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Paiba-iba ang payo sa gout kaya minabuti kong ilahad ang pahayag ng Mayo Clinic sa U.S. tungkol dito.

Ang gout ay kumplikadong sakit sa buto, na may kasamang biglaan at matinding pag-atake ng sakit, pamumula at paninigas ng kasu-kasuan. Naaapektuhan nito ang paa, sakong, tuhod, kamay at kamao, ngunit kadalasan na­apektuhan ang hinlalaki sa paa.

Ang gout ay nabubuo kapag mataas ang lebel ng uric acid sa dugo. Kaya ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng crystals (parang buhangin) na nabubuo sa kasu-kasuan o palibot ng tissue na dahilan ng pananakit at pamamaga.

Ang matinding pag-atake ng gout ay maaaring makapagpagising sa kalagitnaan ng iyong pagtulog na para bang sinusunog ang hinlalaki. Ang apektadong joint ay mainit, namamaga at naninigas.

Dahilan sa pagkakaroon ng gout ang labis na katabaan, sobrang pag-inom ng alak, mataas na blood pressure at kolesterol, pagkakaroon ng diabetes at kung nasa lahi ito ng pamilya.

Ang gout ay nagagamot, at may paraan para mabawasan ang panganib na dulot ng gout.

Ang American Dietitic Association ay inirerekomenda ang mga sumusunod kung umaatake ang gout:

1. Uminom ng 8-16 tasa ng likido (liquid) bawat araw. Mas mainam kung tubig o sopas ito at hindi matamis na inumin.

2. Iwasan ang pag-inom ng alak.

3. Kumain ng katamtamang dami ng protina, mas ma­inam kung galing sa gatas (low-fat milk), tofu o tokwa, at itlog. Hindi bawal ang monggo at tokwa sa gout.

4. Bawasan ang pagkain ng karne, isda at manok sa 4 hanggang 6 ounces lamang. Ang mga pagkaing ito na mataas sa protina ang nagpapataas ng uric acid sa dugo.

5. Panatilihin ang tamang timbang.

6. Kumunsulta sa doktor kung nilagnat at ang kasu-kasuan ay mainit at namamaga. Baka senyales ito ng impeksiyon.

URIC ACID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with