^

PSN Opinyon

19 tips para sumaya

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat tayo ay naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Heto ang aking mga payo para sumaya sa buhay.

1. Magdesisyon na maging masaya—Mag-isip ng paraan at bagay-bagay na magpapasaya sa iyo. Sa plano mo, huwag din kakalimutan ang kasiyahan ng ibang tao, tulad ng iyong asawa at anak.

2. Gamitin ang iyong talento—Saan ka ba magaling? Marunong ka bang kumanta, sumayaw, magpinta, sumulat o magtalumpati? Hanapin at palakasin ang iyong talento.

3. Maglaro—Makipaglaro sa mga bata. Gumawa ng oras para sa sports at magrelaks.

4. Bilangin ang biyaya sa buhay—Magpasalamat tayo sa Diyos sa lahat ng biyaya na binigay niya.

5. Mahalin ang sarili—Lahat ng tao ay nagkakamali. Ayusin ang pagkakamali, humingi ng tawad at kalimutan mo na ito.

6. Tingnan ang ganda sa paligid—Nakita mo na ba ang pagsikat ng araw? Nalanghap mo ba ang simoy ng hangin? Narinig mo ba ang kanta ng mga ibon? Ang kalikasan ay punumpuno ng saya.

7. Magrelaks—Kapag napagod ka sa trabaho, magrelaks at maligo ng maligamgam na tubig. Pagkatapos, magbasa ng iyong paboritong magasin o komiks. Maging abala rin sa iyong hobby.

8. Maging malapit sa kamag-anak at kaibigan—Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkausap sa isang matalik na kaibigan ng isang oras ay katumbas na ng pag-inom ng isang tabletang pain-reliever.

9. Maghanap ng positibong kaibigan—Humanap ng mga positibong tao, iyung palaging masaya at maganda ang pananaw sa buhay.

10. Tumulong sa kapwa—Ayon sa pag-aaral, tataas ang endorphins sa katawan sa pagtulong sa kapwa. Ang endorphin ay isang kemikal na nagpapalakas ng ating katawan at nagpapasaya sa atin.

11. Mag-isip ng masasayang bagay—Ayon kay Norman Vincent Peale, ang awtor ng mga libro sa Positive Thinking, dapat nating turuan ang ating sarili na mag-isip ng masasaya. Sabihin mong, “Okay lang ako. Kayang-kaya iyan. Malulutas din iyan.”

12. Magbasa at makinig ng good news lamang—Piliin lang ang mga magagandang balita.

13. Tumawa—Ayon sa pag-aaral, ang panonood ng masayang palabas ay nakatatanggal ng lungkot, galit at inis.

14. Alagaan ang iyong kalusugan—Paano ka sasaya kung may sakit ka? Kumain nang tama. Umiwas sa bisyo tulad ng sigarilyo at alak. Magpa-check-up din sa doktor.

15. Mag-ehersisyo—May kakaibang saya ang naidudulot ng ehersisyo. Kapag ika’y napawisan, sasarap ang iyong pakiramdam.

16. Maghanap na katamtamang stress sa buhay—Kung sobra ang stress, masama ito sa katawan.

17. Matulog—Kailangan mo ng 7-8 oras ng tulog bawat gabi.

18. Umibig—Ang taong umiibig ay puwedeng humaba ang buhay ng pitong taon. Totoo yan. Mas maligaya rin ang may partner kaysa sa wala.

19. Maniwala sa Diyos-- Ayon sa pag-aaral, ang mga taong may tiwala sa Diyos ay mas masaya kumpara sa mga hindi naniniwala.

SUMAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with