^

PSN Opinyon

Maligayang bati at salamat, Duterte

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Matatapos na ang kanyang termino bilang presidente ng Pilipinas ngayong darating na Hunyo 30 ngunit hindi pa rin nagbabago ang tawagan namin sa isa’t isa — malutong na “REGALADO” ang tawag niya sa akin at “DUTERTE” naman ang tawag ko sa kanya.

Kaya heto — maligayang bati sa iyong 77th na kaarawan Duterte. Nawa’y bigyan ka pa ng Maykapal ng mas marami pang birthday at nang sa ganun, muli mong ma-enjoy ang buhay dito sa Davao City mong mahal.

At maraming, maraming salamat sa anim na taon ng iyong buhay na nagsumikap kang mabigyan ang Pilipino ng mas magandang buhay kahit sa gitna ng pandemya at anupamang unos na dumaan sa ating bansa simula noong 2016 nang ikaw ay naluklok bilang presidente ng Pilipinas.

At sa loob ng anim na taong ‘yun hindi maikaila na naipakita ng presidente na bawa’t ginawa niya ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Higit sa lahat naipadama ni Duterte kung paano mamumuno ng galing sa puso at puno ng pagmamahal sa mga mamamayan.

Paulit-ulit mong sinasabing “I’m coming home” na. Hindi na kami nagtaka at  alam ng mga Dabawenyo gustung-gusto mo nang umuwi dahil sa matagal na panahon dito nakatira ang puso mo

Hinihintay ka na namin, Duterte. Naghihintay na sa iyo ang tostadong corned beef, pritong saging na sinasawsaw sa asukal na puti, ginisang monggo, paksiw na isda, at iba pang putaheng may “tatak Duterte” tuwing naalala sila.

Hinihintay ko rin ‘yong sinisigawan mo ako ng “gaga” at bumubuwelta naman ako ng “gago’’ ka rin. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na biruan natin ‘yon kasi nga may mga hindi nakakaintindi kung bakit ganun na lang ang tawagan natin.

Halika na Duterte, hinihintay ka na naming walang sawang kumanta ng iyong national anthem na “Ikaw” at ang walang kamatayang “MacArthur Park”.

Ngunit higit sa lahat maligayang bati sa iyong ­kaarawan, mahal na President Duterte, dahil may isang “IKAW”.

DUTERTE

REGALADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with