Bugtong-bugtong…
Bugtong-bugtong na mga presidential aspirant. Sinu-sino ang mga ito:
Unang bugtong: para siyang electric fan sa lakas ng dating pero hinog naman sa pilit. Sino siya?
Ikalawang bugtong: kahit anong pilit, kahit anong gawin, hindi kayang pahinugin. ‘Wag mong tatabihan dahil baka dream land ang iyong kahantungan. Kapag ika’y kaniyang natamaan, siguradong tulog ka sa kangkungan. Sino siya?
Ikatlong bugtong: Trying hard na tiktoker. Nag-ala Dragon Ball Z pero siya lang ang natutuwa sa kaniyang kakornihan. Ngayon, pinaghahanap daw ang utak ng mga kakornihang ito at gusto nang bigwasan ng karamihan. Sino siya?
Ikaapat na bugtong: Tinaguriang “the most hated” presidential aspirant sa kasaysayan ng Eleksiyon sa Pinas. Sandamakmak ang ikinakaso, sa paratang ay bugbog-sarado. Hindi pumapatol kahit nasasaktan, patuloy ang pananahimik, tuloy pa rin ang laban. Sino siya?
Ikalimang bugtong: Eto ang seryoso. Magaling sumaludo, disiplinado. Siguradong tama ang pagsaludo hindi pekendos ‘pag rumespeto. Inumpisahan niya ang pagpapaliit ng baywang ng mga lespu. Sino siya?
Ang Ikaanim at panghuli: Wait a minute… may pang-anim pa ba? Tuloy ba to? Mukhang ang latest update ay nag-iisip na raw umatras sa pagtakbong pagka-Pangulo. Sabi nila, cry baby daw siya ng social media. Sino sya?
Katuwaan lamang ang bugtong-bugtong na ito. Batu-bato sa langit, ang tamaan ay ‘wag magagalit!
- Latest