Mga sakit ng kababaihan
1. Menstrual cramps – Ang solusyon sa menstrual cramps ay pahinga. Itulog ang sakit. Umiwas muna sa mga stress, trabaho at meetings. Maligo ng maligamgam na tubig para ma-relax ang puson. Patungan ng medyo mainit na bote ang puson. Sabi ng iba, ang sex daw ay nakatutulong sa menstrual cramps.
2. Bukol sa suso – Lahat ng babae edad 20 pataas ay kailangang matuto kumapa ng kanilang suso. Gawin ito buwan-buwan bago at pagkatapos magkaregla. Humarap sa salamin at tingnan ang suso. May pagkakaiba ba ang kanan at kaliwang suso? Habang nakatayo, salatin ang suso mula sa nipple. Gamitin ang dulo ng dalawang daliri at kapain ng paikut-ikot ang suso. Mag-umpisa sa nipple at hanggang sa papalabas. Pagkatapos ay humiga naman sa kama at ulitin ang pagkapa ng suso. Bago matapos, kapain din ang kilikili para maghanap ng kulani. Kung may bukol na nasasalat, magpatingin sa OB-gynecologist.
3. Hyperventilation syndrome – Maraming babae ang inaatake ng nerbiyos. Sila’y nakararamdam ng hirap sa paghinga, pamamanhid ng kamay, paa at labi. Minsan ay nahihilo sila, at lumalakas ang pintig ng puso. Kung kayo ay nakararanas nito, huwag matakot dahil nerbiyos lang iyan. Ang problema rito ay ang pagbaba ng carbon dioxide sa katawan dahil sa sobrang bilis ng paghinga. Ang solusyon diyan ay ang paggamit ng “brown bag technique.” Kumuha ng maliit na bag na gawa sa papel. Itakip sa bibig at ilong at dito huminga ng dahan-dahan. Gawin ito ng 15-30 minutes. Ang gusto natin mangyari ay malanghap mo ulit ang hangin na iyong inilalabas. Sa ganitong paraan, mawawala ang iyong nararamdaman.
4. Ulcer – Huwag magpapagutom. Kumain ng madalas sa isang araw pero kaunti lang. Mag-almusal, meryenda, tanghalian, meryenda at hapunan. Ang pag-inom ng tubig ng pakunti-konti sa buong araw ay makababawas sa asido ng sikmura. Magbaon din ng saging o tinapay para hindi sumakit ang tiyan. Umiwas sa pagkaing nakaka-ulcer tulad ng sili, orange, pineapple, calamansi, lemon, suka, sitsirya at gatas.
o? Habang nakatayo, salatin ang suso mula sa nipple. Gamitin ang dulo ng dalawang daliri at kapain ng paikut-ikot ang suso. Mag-umpisa sa nipple at hanggang sa papalabas. Pagkatapos ay humiga naman sa kama at ulitin ang pagkapa ng suso. Bago matapos, kapain din ang kilikili para maghanap ng kulani. Kung may bukol na nasasalat, magpatingin sa OB-gynecologist.

- Latest