^

PSN Opinyon

Sampal kapalit ng pirma sa waiver

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung sadyang hindi guilty si dating Presidente Duterte sa ipinaparatang na P2.4 billion ill-gotten wealth na mula sa droga, bakit urong-sulong siya sa sinabi niyang lalagda siya ng waiver para buksan ang mga nasabing deposito?

Sa nakaraang quad committee investigation ng Maba­bang Kapulungan, tiniyak ni Duterte na lalagda siya ng isang kasulatan upang payagang mabuksan ang mga naturang secret bank deposits. Kung mapatunayang totoo ang alegas­yon ni dating Senador Antonio Trillanes ay magbibigti siya sa harap ng publiko. Iyan ang paniniyak ni Du­terte sa bulwagan mismo ng Mababang Kapulungan.

Ngunit nang naghamon si Trillanes na gawin na ang waiver at pirmahan “ahora mismo”, nagwala ang matanda at sinabing sasampalin muna ang dating senador. In fairness, nag-sorry naman si Duterte sa kanyang conduct unbecoming.

Sa ganitong pabagu-bagong isip ni Duterte, nagdu­duda tuloy, hindi lang ang mga mambabatas kundi ang maraming mamamayan sa sinseridad niya. Kasi, parang boladas lang o bluff ang tinuran niya na kung tatanggapin ay magba­bago agad ang isip niya.

Lalo naman itong nagbigay ng determination kay Trillanes na ipursige ang kaso dahil sa tuwing uungkatin ito, nagiging aligaga at mainit ang ulo ni Duterte. Indikasyon na maaaring may itinataboy siyang kasalanan. Pero mahirap lang puro assumption lang tayo sa mga isyung di pa napa­­patunayan.

Gusto ko nga sana at nang marami na makasuhan na si Duterte para lumabas na ang katotohanan. Pero ang ipi­nakitang flow chart ni Trillanes kung paano hinati-hati sa pamilya ni Duterte ang malaking halaga ay walang bigat. Papel lang ito na walang kumpirmasyon.

Puwedeng maghabla pero kung walang airtight evidence, sayang lang ang pagod at lalabas pang biktima ng demo­lis­yon si Duterte. Sa ganitong sitwasyon, hindi talaga ma­pi­pigil kung mabuo sa isip ng ilang kababayan natin na lord of all drug lords si Duterte.

Kunsabagay may malawak pang following ang dating­ Pangulo na binubuo ng mga taong halos diyosin siya. Kaso, ang suma-total nito ay pag-aaway ng mga mamamayan.

DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with