Mga dapat gawin kapag sinisipon
Ang sipon ay viral infection sa itaas na bahagi ng respiratory tract, ilong at lalamunan. Palatandaan nito ay masakit na lalamunan, ubo, nagluluhang mata at pagbahin. Karamihan sa matatanda nararanasan ang sipon ng 2 hanggang 4 na beses sa 1 taon, Sa kabataan, lalo sa preschoolers, nagkakaroon sila ng sipon 6 hanggang 10 beses sa 1 taon.
Mga dapat gawin kapag may sipon:
• Uminom nang maraming tubig – Nakatutulong ito na palitan ang mga nawalang tubig sa katawan habang nabubuo ang sipon. Iwasang uminom ng kape dahil nagdudulot ito ng dehydration.
• Humigop ng sabaw ng manok – Ayon sa mga eksperto, ito ay anti-inflammatory at nakababawas ng produksyon ng sipon at plema sa respiratory tract. Pinabibilis nito ang galaw ng sipon at binabawasan ang pagdami ng virus na dumidikit sa paligid ng ilong.
• Magpahinga – Kung kinakailangan, manatili muna sa bahay. Huwag munang pumasok sa trabaho. Ang pa-hinga ay mahalaga para mapadali ang paggaling ng sipon.
• Gawin komportable ang kuwarto – Gawing maaliwalas o hindi mainit ang kuwarto. Bumili ng aircon kung kinakailangan. Linisin nang madalas ang aircon para maiwasan ang pagdami ng bacteria.
• Paginhawahin ang lalamunan – Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin sa umaga. Uminom din ng maligamgam na lemon na may halong honey.
• Gumamit ng nasal spray – Ang saline spray ay epektibo, ligtas gamitin at hindi nakaiirita. Puwedeng gamitin ito sa bata.
• Uminom ng Vitamin C tablet – Nakatutulong ito para mapadali ang paggaling ng sipon.
- Latest