^

PSN Opinyon

Kasuhan at ikulong ang mga corrupt sa Customs

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Nabasa ko at narinig ang balita na 60 Customs offi­cials and employees na sangkot sa corruption ang pina­tawag ni President Duterte sa Malacañang at sinermunan umano. Pagkatapos ng balitang ito, wala nang narinig pa ukol sa mga corrupt.

Ganun lang ba ang gagawin sa mga magnanakaw sa Customs --- sesermunan? Una kong nabasa sa news­paper na paglilinisin daw ni President Duterte ng basura sa Ilog Pasig ang 60 corrupt. Bakit paglilinisin? Ganun lang ba ang katapat ng ginawa ng mga matatakaw na bu­waya sa Customs? Hindi naman yata tama na paglilinisin lang o sisermunan ang mga kawatan. Ang nararapat sa kanila ay kasuhan sa tamang korte at kapag napatunayan ay ikulong para mapagdusahan ang ginawa. Mas maganda nga sana kung maipapasa ang death penalty law para ang lahat ng mga corrupt o may plunder­ cases ay mapaparusahan ng bitay. Pero sa tingin ko, mahihirapang maipasa ang death penalty sapagkat karamihan sa mga mambabatas ay may kasong pandarambong. Gugustuhin ba nilang maparusahan ng ipapasang batas? Hindi nila ipapasa ang batas na papatay sa kanila.

Maraming corrupt sa Customs at maski si President Duterte ay dismayado sa patuloy na katiwalian. Lalo siyang nadidismaya sapagkat ang inilagay na nga niya sa ahen­siya ay dating sundalo o opisyal pero nangyayari pa rin ang corruption.

Naniniwala ako na totoo ang layunin ng Presidente na madurog ang katiwalian sa mga tanggapan ng pamahalaan. Sana, maging matalino pa siya sa pagpili ng iuupo sa ahensiya o tanggapan para magkaroon ng katuparan ang ninanais niyang corrupt at drug free na bansa. Unahin niyang ubusin o lipulin ang mga tiwali sa Customs. Kapag nangyari ito, giginhawa na ang buhay ng mga Pinoy dahil wala nang magnanakaw sa kaban ng bansa. ---ROMEO GANIBA, Project 6, Quezon City

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with