^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Lethal injection sa drug traffickers

Pilipino Star Ngayon

DAPAT mag-isip ang mga mambabatas na panahon na para ipanukala ang pagbabalik ng parusang kamatayan at ipataw ito exclusively sa drug traffickers. Tiyak na maraming kokontra pero dapat limiiin nila kung gaano kasama ang idinudulot ng pagkasugapa sa illegal na droga. Marami nang nawasak na buhay.

Ayon sa report ng Dangerous Drugs Board (DDB) nasa 1.7 milyong Pinoy ang lulong sa droga. Hindi lamang kabataan ang sugapa kundi pati mga nasa tamang gulang. Nakaaalarma ang pagdami ng mga sugapa sa maraming bahagi ng bansa. Ayon sa Philippine National Police (PNP), 90 per cent ng mga barangay sa bansa ay drug infested.

Wala nang pinangingilagan ang drug traffic-kers. Patuloy sila sa masamang gawain. Noong Miyerkules, P100 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Anti-Illegal Drugs Special Ope­rations Task Force (AIDSOTF) sa Caloocan City. Magsasagawa ng buy-bust operation ang AIDSOTF subalit nakatunog ang Chinese drug traffickers na nakilalang si Mico Tiu Tan. Inabandona nito ang sasakyan at tumakas. Nakuha sa kanyang sasakyan ang 20 kilo ng shabu.

Noong nakaraang linggo, isang Chinese ang naaresto sa Pasay City at nakuha sa kanyang sasakyan ang kilu-kilong shabu na milyong piso ang halaga. Noong nakaraang linggo rin nadiskubre ang drug dens sa likod ng Camp Crame na mini-maintain ng isang pulis.

Laganap na laganap ang illegal drugs. Kahit sa liblib na lugar ay maraming addict sa shabu at gumagawa ng krimen – nagnanakaw, nanggagahasa at pumapatay. Wala nang kinatatakutan ang drug traffickers sapagkat malambot ang batas.

Sa Indonesia, China, Saudi Arabia at ibang bansa sa Middle East, kamatayan ang parusa sa drug traffickers. Dito sa Pilipinas, habambuhay ang parusa. Napakaraming drug traffickers ang nakakulong ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP) at kahit nasa loob, nakakapag-transact pa ng business ukol sa illegal drugs.

Panahon na para isulong ang panukalang batas na magbabalik ng bitay para sa drug traffickers. Lethal injection ang nararapat.

ANG

AYON

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

DRUG

DRUGS BOARD

DRUGS SPECIAL OPE

MICO TIU TAN

MIDDLE EAST

NEW BILIBID PRISONS

NOONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with