Sa pang-13 taon
ANG nagdaang Christmas Eve ay muling pinakita na nagtagumpay na naman ang local ban on firecrackers at fireworks na pinaiiral dito sa Davao City may 13 taon na ngayon.
Ito ay dahil ang Davao CIty ay muling naitala ang zero-injury sa fireworks at firecrackers-related cases, wala ni isang kaso ng naputukan o nasugatan nang dahil sa paputok dito sa siyudad ng Davao.
Ang mga emergency rooms ng mga ospital dito sa amin ay muling naging walang laman noong Christmas Eve.
Itong lahat ay dahil nga sa local ordinance dito na pinagbabawal ang pagbenta, paggamit at maging ang paghawak o ang pagdadala sa loob ng isang sasakyan ang anumang firecrackers, fireworks o pyrotechnic materials.
Ang sino mang mahuhuli na lumabag sa nasabing ordinance ay nahaharap sa naaayong penalties at maging ang pagkabilanggo.
Nasanay na rin ang mga Dabawenyo na walang paputok at kung anong fireworks tuwing Christmas Eve, New Year’s Eve o maging tuwing Chinese New Year. Talagang tanggap na namin kung ano ang ipinagbabawal.
Ngunit hindi naman ibig sabihin na hindi na magiging masaya ang Kapaskuhan dito dahil marami namang paraan upang mag-ingay gaya ng kalembang ng kaldero at maging mga lata at kung anu-ano at maging lakasan ang mga sound system.
Kadalasan ay nagdi-disco o di kaya at nag-videoke at nagpa-party sa daan ang mga Dabawenyo tuwing Christmas at New Year’s Eve.
At tiyak na ngayong darating na New Year’s Eve ay muling kakalembang na naman ang mga lata at kaldero dito sa Davao City at aapaw pa rin ang kasiyahan kahit walang firecrackers at fireworks!
Happy New Year sa lahat!
- Latest