^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kaluwagan kay Quiboloy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Kaluwagan kay Quiboloy

DITO sa Pilipinas, kapag ang nakulong ay kilala sa lipunan, maaring magawa ang lahat para maging magaan ang buhay kahit nasa kabila ng rehas. Ma­aring makagawa ng hakbang para makalabas sa kulungan at gawin ang gusto. Nangyari na ang ganito at maaring nangyayari pa rin hanggang ngayon sa mga bilangguan sa bansa.

Noon sa New Bilibid Prison (NBP) may mga Very Important­ Preso (VIP) na nakakalabas ng kulungan at binibisita ang mga pag-aaring kompanya. May sariling sasakyan at may mga badigard pa kapag binibisita ang mga ari-arian. Kahit anong gustuhin ng VIP, puwede dahil may pera siya. Makapangyarihan ang pera.

Mayroon ding bilanggo sa Manila City Jail na naka­lalabas para lang mag-casino. Ang bilanggo, isang babaing Chinese ay nahatulan dahil sa drug trafficking. Pero dahil may pera at maimpluwensiya, kayang-kaya niyang tapalan ang mga jailguards at jail officials para makalabas at makapag-casino.

Marami pang VIP na nagagawa ang lahat dahil sa kanilang impluwensiya at pagkakaroon ng pera. Lahat ay maaaring paikutin sa pamamagitan ng pera.

Si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo­ Quiboloy ay pinayagan ng Pasig Regional Trial Court na palawigin ang medical furlough hanggang Nobyem­bre 27, 2024. Ayon sa korte, kailangan ang masusing medical examination kay Quiboloy dahil sa irregular heartbeat nito. Bukod dito, may problema rin daw sa ngipin ang pastor. Sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, may mga medical test pang isasagawa sa kanyang kliyente. Hiniling na noon ng kampo ni Quiboloy na ma-hospital arrest ito subalit hindi pinayagan ng korte.

Una nang sinugod si Quiboloy sa Philippine Heart Center noong Nobyembre 12 nang makaramdam ng pa­ninikip ng dibdib. Ayon sa PNP, dumaing ng paninikip ng dibdib at pagkahilo si Quiboloy noong Nobyembre 7 kaya nagsagawa ng medical examination ang PNP General Hospital. Saka siya isinugod sa PHC. Ibinalik siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame noong Nobyembre 15. Hanggang pahintulutan nga ng Pasig Court ang kanyang medical furlough hanggang Miyer­kules (Nobyembre 27).

Naaresto si Quiboloy noong Setyembre 8, 2024 sa Davao City. Nahaharap siya sa mga kasong sexual abuse at human trafficking at may kinakaharap na kasong sexual trafficking sa United States.

Magaan ang trato kay Quiboloy kahit mabigat ang mga kaso. Madali siyang naisusugod sa ospital. Taliwas naman ito sa iba pang mahihirap na bilanggo na namamatay sa kulungan na hindi na naisasailalim sa medical examinations at iba pang dayagnosis. Iba talaga ang trato kapag VIP.

VIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with