^

PSN Opinyon

Bumabalik na naman ang mga nakawan sa Davao City

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Heto na naman sila. Nagsisimula na namang maghasik ng lagim ang mga kawatan sa Davao City. Pinupuntirya ng mga ito ang establisimento. Nililimas lahat!

Nahagip ng CCTV ang pagnanakaw na ginawa noong isang araw sa Abjanine Business Center sa Bangkal, dito sa Davao City. Talagang nagbabalik na naman ang mga masasamang loob!

Kuhang-kuha ng CCTV ang mga pangyayari sa nasabing establisimento.

Captured na captured kung paano nilimas ng magna­nakawa ang P30,000 mula sa dalawang workers ng Abjanine Business Center. Walang nagawa ang dalawang workers ng nasabing establisimento.

Mabilis lang ang pangyayari at natangay agad ang pera. Talagang planado ang pagnanakaw!

Ayon sa pulisya, nahagip naman ng CCTV ang kaan­yuan ng magnanakaw. Ayon sa mga awtoridad, may taas na 5’7 ang magnanakaw.

Hindi nakunan ang pagmumukha ng magnanakaw dahil naka-helmet ito.

Kuhang-kuha naman suot nitong pula at puti na motor­cycle sweatshirt. Liban doon ay wala nang iba pang pagka­kakilanlan sa magnanakaw.

Sana naman huli na itong pangyayaring ito at nang tuluyan nang mahinto ang mga ganitong pagnanakaw at ibang krimen dito sa Davao City.

Nararapat naman ang police visibility lalo pa’t 31araw na lamang ay Pasko na. Kung may mga pulis na nagpa­patrulya sa kalye at nagmamasid sa mamamayan, magdadalawang isip ang mga criminal na gumawa ng krimen.

Magiging panatag din ang kalooban ng mamamayan kapag may nakikitang mga pulis na nagroronda o nagpa­patrulya sa kalye lalo na sa dis-oras ng gabi.

Mapigilan sana ng kapulisan ang mga nangyayaring nakawan dito sa Davao City. Wala na sanang maganap na nakawan. Maging alerto rin naman ang mamamayan sa lahat nang oras.

CCTV

DAVAO CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with