^

PSN Opinyon

Siyam na Pinoy sa ibang bansa pararangalan ni Pres. Marcos

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Siyam na kinikilala at natatanging Pilipino sa ibayong-dagat at iba pang indibidwal at organisasyon ang napiling tumanggap ng  2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) at takdang parangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa isang pahayag ng Commission on Filipinos Overseas, ang mga awardee ay tatanggap ng prestihiyosong Gawad ng Pangulo mula kay President Marcos sa isang seremonyang isasagawa sa Malakanyang sa Disyembre 11, 2024. Napili sila mula sa 84 nominations mula sa 27 bansa sa Asya, Africa, Australia, Europe at North America.

Ipagdiriwang sa naturang parangal ang mga natatanging tagumpay at makabuluhang ambag na nagsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibayong dagat, sumusuporta sa pambansang pag-unlad at iniaangat ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo. Me-rong apat na kategorya ang PAFIOO- ang Lingkod sa Kapwa Pilipino (LINKAPIL), Pamana ng Pilipino, Banaag, at Kaanib ng Bayan.

Tatanggap ng LINKAPIL Award sina:

1. Leo-Felix M. Jurado | United States of Ameri-ca (Lasam, Cagayan) – Isang nurse, educator at lider na kinikilala sa kanyang natatanging adbokasya para sa nursing profession at kahanga-hangang mga tagumpay at kontribusyon na nakakatulong sa mga nurse na Pilipino sa U.S.

2. Emilio P. Quines, Jr. | United States of America (Tagudin, Ilocos Sur) – Duktor at pilantropo. Kinilala sa kanyang mga humanitarian effort at contribution na nakatulong sa mga kapuspalad na mga komunidad sa Pilipinas.

Sa Pamana ng Pilipino Award, pararangalan sina:

1. Larry E. Carumba | Saudi Arabia (Victorias, Negros Occidental) –  empleyado ng isang medical supply company sa loob ng 30 taon  na kinikilala sa kanyang natatanging mga tagumpay bilang visual artist na dahilan para siya igalang at ipagpitagan sa art community ng Saudi Arabia at lumikha ng positibong imahe ng mga Filipino artist at manggagawa sa Middle East.

2. Jane Y. Gerardo-Abaya | Austria (Kalibo, Aklan) – retired Director ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na kinilala sa natatangi niyang mga Gawain at ambag sa pagsusulong  ng geology at geothermal hydrology at sa kanyang adbokasya sa  ligtas at mapayapang paggamit ng teknolohiyang nukleyar.

3. Roberto Eusebio R. Lavides | Canada (Gumaca, Quezon Pro-vince) – Narrative artist at creative director sa Ontario na kinilala sa kanyang mga gawain sa sining at literature at pagpapalaganap sa kulturang Pilipino at legasya ni Dr. Jose P. Rizal na nagpayabong sa patriotism at cultural pride ng mga Pilipino sa ibayong-dagat at nagtataguyod ng pagkakaunawaan ng mga Filipino at Canadian communities.

4. Melvin J. Sanicas | Switzerland (Bacolod City, Negros Occidental) – Eksperto sa global health, immunology, at preventive medicine na kinilala sa natatangi niyang mga gawain at kontribusyon na nakatulong sa pagtugon ng mundo sa Covid-19 at iba pang nakakahawang sakit. 

Igagawad naman ang Banaag Award kina:

1. Elvy G. Barroso | United States of America (Ligao City, Albay) – Doctor for infectious disease na nakabase sa New York. Kinikilala ang kanyang kahanga-hangang gawain sa  public health education on tuberculosis na nagpaibayo sa  infection control practices at expanded access to life-saving treatment para sa mga Pilipino at iba pang ethnic communities sa New York.

2. Zita T. Cabais | France (Bani, Pangasinan) – Isang trafficking survivor at human rights advocate na nakabase sa Paris. Kinikilala ang kanyang kuwento ng katatagan at mahalagang kontribusyon sa pagtataguyod sa karapatan ng mga Filipino domestic worker at pagtutol sa labor exploitation at human trafficking. Nagtulak ito ng kamulatan at kilusan para sa mas mahigpit na mga patakaran sa disenteng trabaho sa France at Europe sa pangkalahatan. 

3. Elvira A. Dela Cruz | Morocco (Pozorrubio, Pangasinan) – Isang household service worker at community leader na kinikilala sa kanyang walang humpay na pagsisikap at de-dikasyon na matulungan ang mga nagigipit na overseas Filipino workers at pagtataguyod sa mga karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa Morocco.

 Ang Kaanib ng Bayan Award ay igagawad kina: 

1. Bader Ahmed J. Al Zafeen | United Arab Emirates. Isang tauhan ng Dubai Police na kinilala sa kanyang pagmamalasakit at de-dikasyon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino sa UAE na tulad ng ipinakita sa kanyang DNA project at suporta sa legal documentation at pagsasaayos ng pagpapauwi sa mga undocumented Filipino children at ng kanilang mga ina.

2. Victor Gaina | Moldova, ang Philippine Honorary Consul to Chisinau na kinikilala sa kanyang pagtulong  sa pagpapauwi sa Pilipinas sa daan-daang mga Pilipino mula sa Ukraine nang sakupin ito ng Russia.

Pararangalan din ang  Philippine Nurses Association of New York, Inc. (PNANY) | United States of America na nakatulong sa pagresponde ng Pilipinas sa pandemya, alokasyon sa bakuna sa Covid-19 at nagtataguyod sa pag-unlad at kapakanan ng mga Filipino-American nurse sa New York. 

Ganoon din ang Neurosurgery Outreach Foundation, Inc. (NOF) | United States of America na nakabase sa Washington at kinilala sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa pangangalaga sa mga Pilipinong nagtataglay ng complex neurosurgical conditions at pagbibigay ng neurosurgical treatment sa mga kapuspalad sa Pilipinas.

* * * * * * * * * *

Email – [email protected]

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with