^

PSN Opinyon

Aberin, may ‘baptism of fire’ kaagad!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

CONGRATULATIONS kay Brig. Gen. Anthony Aberin, ang bagong hirang na director ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Kaya lang, hindi pa pormal na nanu­nungkulan si Aberin, sinalubong na siya nang malaking problema. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang paglusob ni Vice President Sara Duterte sa House of Representatives. Teka, nilusob ba o ginulo?

Dinalaw kasi ni Sara ang Chief of Staff ng OVP na si Atty. Zuleika Lopez, na nakakulong sa HR dahil na-contempt ni Rep. Franco Castro ng Makabayan bloc. Matapos ma-con­tempt si Lopez, nakita pa si Castro na lumapit kay Antipolo City Rep. Romeo Acop at nakipagtawanan pa. Parang mission accomplished? Ewan ko no! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya nagulo ang Kongreso dahil sa opisina ni Davao Rep. Polong Duterte sa Room 304 nagpalipas ng gabi si Sara. Pinatayan siya ng kuryente subalit hindi natinag si Sara. Araguyyy! Nakadalawang araw si Sara sa opis ni Polong, na sumulat naman sa Kongreso na payagan ang kapatid niya na okupahin ang kanyang kuwarto dahil sa kagustuhang mapalapit kay Lopez.

Imagine, gusto pa ni Sara na samahan si Lopez sa selda kaya lang hindi siya pinayagan. Ano ba ‘yan?

Ang iginiit pa ni Polong na wala namang masamang hangarin ang sister niya at dapat payagan ito hindi tulad ni Castro na convicted felon na ay nandiyan pa sa Kongreso at nagko-contempt pa. Purbidang yawahhh! Asan ang hustisya?

Ang huling balita, si Lopez ay isinugod sa St. Luke’s Hospital at nagkaroon pa ng drama sa Veteran’s Hospital kung saan siya unang isinugod. Hindi pa tapos ang sarsuwelang ito. Iimbestigahan din kaya ng quad comm ang panggugulo ni Sara sa Kongreso? Kapag hindi, abayyy bastusan na ito. Eh di wow! Hehehe! Maagang nagka-baptism of fire si Aberin!

Wala namang nagulat sa pagkapuwesto ni Aberin sa NCRPO. Katunayan, noong panahon ni ex-DILG Sec. Benhur Abalos, pumutok na si Aberin ang magiging CIDG director subalit naungusan siya ni Brig. Gen. Nicolas Torre lll dahil sa pagkaaresto kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Dahil maraming trabaho ang naiatang kay Torre, si Aberin ang nailipat sa NCRPO. Nakatingin naman sa ngayon ang mga kosa ko sa Camp Crame kay DILG Sec. Jonvic Remulla.

Ipinangalandakan kasi ni Remulla na marami siyang babaguhin sa PNP, kabilang na rito ang promotions na ang primary consideration at ang merit o accomplishments sa serbisyo. E si Aberin noong nasa PRO 7 pa sa Cebu ay tinamaan ng dalawang beses ng Martilyo gang at wala naman siyang nalutas dito. Anyare Sec. Remulla Sir? Mismooo!

Ang pinalitan ni Aberin na si Maj. Gen. Sidney Hernia ay lumanding sa APC Southern Luzon at ang partner niya na si Maj. Gen. Ronnie Cariaga naman sa APC Northern Luzon. Ibinando ni Remulla na bubuwagin na ang APCs eh bakit itinapon pa sina Hernia at Cariaga roon? Conflicting signals ang ipinakikita ni Remulla, ‘no mga kosa?

Mga miyembro ng PNPA Class ’93 sina Aberin at Torre at nasa juicy positions na sila ng PNP. Kapag maganda ang ipakikita nila, tiyak ang susunod na chief PNP ay graduate ng PNPA na. Hello Lakans, sori na lang Cavaliers! Teka, teka, Maj. Gen. Edgar Allan Okubo, ikaw ba ‘yun? Abangan!

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with