^

PSN Opinyon

Corruption sa NBP

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINABI ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, dapat kasuhan at kung mapapatunayan nagkasala ay isama na rin sa kulungan ang mga high ranking official na pumayag at nagkipagsabwatan sa mga bigtime prisoner sa National Bilibid Prison na involved sa malala­king kaso tulad ng illegal drugs at iba pang klase ng krimen na namumuhay sa karangyaan dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat panagutin ang mga high ranking official ngayon at noon na nagbigay ng ‘basbas’ para maipasok sa loob ng karsel ang mga hi-tech equipment, sex toys, mga gadget, baril, droga echetera na nabisto ni DOJ Secretary Leila de Lima ng salakayin nila ang kulungan the other day.

‘Grabe ang ibinigay na VIP treatment sa mga mayayaman bilanggo kaya hindi sila makapaniwala na walang pera-perang nangyari dito.’ sabi ng kuwagong naiingit.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ginalang ng mga bugok na opisyal ang batas na ipinatutupad sa bilibid prison basta ang importante ay kumita sila ng pitsa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, nagulat sila ng ilantad mismo ni Secretary de Lima ang mga hi-tech gadget, mga high powered gun, droga, mga magagarang gamit sa paliguan at magandang music room, tulugan, airconditioned at may mga opisina pa ang mga kamote rito.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kinakalkal pa sa ngayon kung sinu-sino dapat ang managot dahil mismong si P. Noy ang nag-utos kay de Lima na parusahan ang mga kamoteng nagbigay ng basbas para makapasok sa kulungan ang mga boga.

‘Hindi dapat itong tantanan dahil  marami pang milag­rong madidiskubre ang nakatanim sa bilibid.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Dapat paghiwa-hiwalayin ang mga mayayaman bilanggo at ikulong din ang mga ito sa iba’t-ibang lugar para maiwasan ang mga pinaggagawa nila sa oblo.’

Abangan.

Ridon at dela Cruz binangga sina Gines

SINAMPOLAN nina Reps. Terry Ridon at Jonathan dela Cruz  sampalin este mali sampahan pala nang kasong kriminal si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Ginez at dalawa pang kasangga nito dahil sa lantaran nilang pagbale-wala sa batas sa pagbibigay nila ng mga prangkisa at certificates of public conveyance.

Lagot!

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Office of the Ombudsman dinala ang kaso kaya ang sabi nina Ridon at De la Cruz dapat managot sa kanilang paglibag este mali paglabag pala sa Section 3 ng Anti-Graft practices Act ang mga ito.

Ayon kina Ridon at Dela Cruz, last January 15, 2013, binawi ng LTFRB ang pahintulot na binigay sa kumpanya ng bus na Solid North upang magsakay at magbaba ng pasahero sa terminal ng kumpanya sa Cubao sa Quezon City.

Hindi sinunod ng Solid North ang utos at naghain ito ng motion reconsideration.

Noong Abril 24, 2013, pinuna ni Ridon na ibinasura ng LTFRB ang motion. Subalit inihayag din ng ahensya na maaaring isantabi ang pagbasura kung makakakuha ang Solid North ng Route Measured Capacity (RMC) certificate mula sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Hiniling ng Solid North na bigyan sila ng hanggang Agosto 1 para makapagsumite ng RMC. Suballit noong Hunyo 28, biglang naglabas ng kautusan si Ginez at ang LTFRB na nagpapahintulot sa Solid North na magsakay at magbaba ng mga pasahero sa Cubao.

Abangan.

ABANGAN

AYON

CRUZ

CUBAO

DELA CRUZ

RIDON

SABI

SOLID NORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with