^

PSN Opinyon

Sautol Haqq o Voice of the Truth

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na isinasangkot ng Mindanao-based anti-corruption watchdog na Sautol Haqq o Voice of the Truth si Lanao del Sur Gov. Mamintal  Adiong Jr. sa diumano’y pagpapasabog sa isang local radio and tv network?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ibinida ng isa sa convenor ng Sautol Haqq na si Atty. Salic Dumarpa ang mga pagpapasabog ng granada sa may labas ng gusali ng Muslim Mindanao Radio and Television Networks sa Marawi City noong Marso 2 at Marso 10 pero walang natigok o nasugatan sa pangyayari.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Dumarpa ay isa sa may-ari ng MMTRN na ayon sa kanya ay kunektado sila sa TV5.

Kuento ni Dumarpa, na ang mga pag-atakeng ito ay naganap matapos pagbigyan ng COA ang hiling ng Sautol Haqq na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapalabas ng mga pondo at pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan.

Birada ni Dumarpa sa, isang miyembro ng Sautol Haqq na si Aleem Imran Abdulhamid na isa ring bokal ng probinsiya ang nakatanggap ng isang sulat ng pagbabanta na nakasulat sa lokal na lengguwahe at ipinadala diumano ng isang tauhan ni Adiong noong nangyari  ang pambobomba?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Gov’t dapat umaksyon sa â€˜contractualization’

PANAHON na para kumilos ang gobierno ng Philippines my Philippines na ayusin at pagtulungan ang problema para mabigyan ng ‘regular jobs’ ang mga newly college graduate students at hindi iyong ginagawa lamang ‘contractual’ workers sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, labag ito sa pinaiiral na batas sa Philipines my Philippines, ang problema ay  pahetot - hetot o pakaang - kaang dito ang gobierno para bigyan solusyon ang lumalalang problema ng madlang manggagawa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa ganitong sistema kaya maraming skilled, non - skilled workers ang dumadayo sa abroad para maghanap ng trabaho upang guminhawa at mabuhay ng maayos ang kanilang pamilya dahil kung ang sueldo nila from the Philippines my Philippines as ‘casual’ ang pagbabasehan o aasahan walang mangyayari.

Sabi nga, lugi!

‘Ano ang mabuting gawin?’ tanong ng kuwagong jobless.

‘Ibasura ang Herrera law para masawata ang pagdami ng mga walang trabaho.’ sagot ng kuwagong alipin.

Siguro pahanon na rin para  ipatigil ang malawakang pagpapatupad ng ‘contractualization’ sa mga worker dahil ito ang isa sa mga problemang nagpapahirap sa madlang manggagawa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang praise release ng DOLE sa kanilang job fair, ay huwag ma­ging mapili sa trabaho pero ang punto ng mga newly college graduate hindi akma sa kanila ang ibinibigay na trabaho dahil ang itinutulak ng gobierno ay ang mga trabahong construction workers, service provider at BPO kasi nga naman ang trabahong ito ay hindi permanente, low salary at walang benefits from the company.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga agency lamang ang kumikita ng mas malaki dahil sila ang kumukuha ng mga gustong mag-trabaho under ‘contructualization.’

Ika nga, walang security of tenure!

Abangan.

ABANGAN

ADIONG JR.

ALEEM IMRAN ABDULHAMID

DUMARPA

NAKU

SABI

SAUTOL HAQQ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with