Bakit kaya ayaw nila ang GMO?
IKINUWENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nga masama ang tingin sa mga ‘genetically modified organisms,’ o GMO, noong araw, marami tuloy ang nagtataka ngayon kung bakit ang mga ito pala ay malaki ang naitutulong sa ating mga panananim at mga pagkain.
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tulad na lang ng ‘Golden Rice’ na isang magandang solusyon para maibsan na ang problems sa kakulangan ng Vitamin -A dahil ito ay mayroong beta-carotene.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, libu-libo ang nabubulag sa buong mundo dahil sa problemang ito at kung ito ay maging matagumpay sa pananaliksik, malaking tulong ito sa nutrisyon ng mga bata.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat na talagang pagtuunan ng pansin ang mga pananaliksik sa GMOs dahil na rin sa tuluy-tuloy ang pagdami ng tao, samantalang hindi naman nadagdagan ang mga lupang sakahan.
Aminado ang Chief Kuwago na dati medyo kinakabahan din ako sa mga GMOs. Baka nga may mga ibang tumubo sa akin katawan kapag kumain ako nito. Pero napag-alaman kong matagal na pala akong ngumunguya ng mga produktong galing sa mga genetically-modified crops at wala namang pagbabago sa aking ‘sexy body.’
Tumataba nga lang kapag napaparami ang aking kain.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung makakagawa ng Golden Rice, siguro pagsikapan na rin ng ating mga siyentipiko na mapabilis ang paggawa ng mga palay na makakatagal sa baha.
Mukhang yung nangyaring mga delubyo sa atin ay senyales ng mas matinding sitwasyon sa mga susunod na taon pag tag-ulan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon may sinasabi pa silang mga “Pinoy GMOs†pero ang huli kong nabalitaan dito nagalit ang ilang mga environÂmentalist nang halos patapos na ang pananaliksik sa BT Talong, isa sa mga GMO na pananim na pinag-aaralaan sa UP Los Baños.
‘Hindi ko nga tuloy maintindihan bakit ayaw nila nito gayong ang mga BT talong pala ay makakabawas sa pestisidyong ginagamit sa pananim,’ sabi ng kuwagong magbubukid.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tulad ng BT Talong, itong Golden Rice ay katulong ang gobyerno sa pananaliksik dahil nga mga dalubhasa ng Philrice ng Department of Agriculture ang kasama ng International Rice Research Institute (IRRI) sa programang ito.
Ang sa akin lang, dapat huwag na tayong maging sarado sa pagtingin sa mga makabagong teknolohiya tulad ng mga genetically-modified crops. Kung ito ay makakatulong sa programang pang seguridad ng ating pagkain, dapat lang na maisulong.
Kaya ano pa ba ang ating dapat ikatakot?
Abangan.
* * * * *
Supt. Pranada at Bgy. Capt. Joey de Guzman
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng magsalita ang ilang vendors dyan sa may Murphy Kyusi na hindi sila kinotongan last Saturday ng kikil group ng P100 kada isa sa kanila kaya naman natutuwa tayo sa nangyari.
Binatikos ng Chief Kuwago ang nangyayaring kotongan sa mga vendor na nagtitinda sa teritoryo ni Barangay Capt. Joey de Guzman dahil garapalan ang pangingikil sa mga pobreng alindahaw.
Nakaantabay lang tayo sa mangyayari.
Abangan.
- Latest