^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawal ang bus sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

UMAANI ng papuri at binabatikos din ang ordi­nansang ipinatutupad sa Maynila. Ito ay ang pagbabawal sa mga pampasaherong bus na wa­lang terminal na makapasok sa Maynila. Sinimulan ang pagpapatupad ng bus ban noong Lunes. Lahat nang bus manggagaling sa Fairview, QC ay hanggang Mabuhay Rotunda na lamang. Lahat ng bus galing Balintawak-NLEX ay hanggang Blumentritt na lamang. Lahat nang galing sa Baclaran ay hanggang Vito Cruz na lamang at ang galing sa Pandacan ay hanggang Plaza Dilao na lamang.

Maraming umangal na mga bus driver dahil hindi raw sila naabisuhan at bigla na lamang daw ipinatupad. Napag-alaman naman na ang mga pumapalag palang drayber ay mula sa mga kolorum na bus. Marami ring estudyante at empleado ang nagmura at pinaghahagis daw ang bayad sa mga konduktor ng bus. Kailangan pa raw nilang bumaba at lumipat sa dyip para makarating sa kanilang school at opisina. Paano raw kung umuulan? Paano raw kung punuan ang mga dyipni? Paano raw kung nag-strike ang mga dyipni? Paano rin daw ang mga eksakto lamang ang pamasahe? At paano rin daw kung ang sinisingil sa kanila ng bus ay hanggang Quiapo o hanggang Taft?

Sabi pa ng mga bumabatikos, hindi raw pangmahirap ang ordinansang pinatupad ni Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno. Baka lalo raw silang mamulubi sa paglipat-lipat ng sasakyan. Siyempre raw madadagdagan ang kanilang pamasahe dahil putol-putol ang biyahe.

Marami pang batikos na narinig mula sa mga drayber at commuters. Pero habang marami ang bumabatikos, marami rin naman ang nasisiyahan sa mabilis na biyahe ngayon sa Maynila. Wala nang trapik sa España Blvd., tapat ng Manila City Hall, Legarda, Recto, Rizal Avenue, Taft Avenue, Pedro Gil at iba pang major route. Sa Quiapo ay may kaunti pang trapik dahil sa mga nagbababa at nagsasakay na dyipni at dahil din sa mga nakaparadang sasak-yan sa Raon St. Pero sabi ni Vice Mayor Moreno, luluwag din sa Quiapo sa mga susunod na araw.

May epekto ang bus ban sa Maynila. Nawala ang trapik. Nawala rin ang mga colorum na bus. Mas maganda kung ipatutupad naman ng Maynila ang mga sinasabing e-buses na bibiyahe mula Rotunda patungong Quiapo at mula Vito Cruz patungong Lawton. May mga designated loading at unloading zone dapat. Kapag naipatupad ito, bawas pollution sa Maynila. Sana hindi ningas-kugon ang pagpapatupad nang maluwag na trapik sa Maynila.

BUS

LAHAT

MABUHAY ROTUNDA

MANILA CITY HALL

MAYNILA

PAANO

RAW

VITO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with