Transparency ng mga lawmakers
SABI ng negosyanteng si Ricardo Penson, convenor ng Krusada Kontra Dynasty, dapat ilantad sa publiko ang kabuuang kinikita ng mga mambabatas para mabura ang pagdududa na sila’y nagkakamal ng katakutakot na salapi habang nasa kapangyarihan.
Kamakailan ay naging kontrobersyal si Senate President Juan Ponce-Enrile dahil “ipinamudmod†umano sa mga Senador ang malaking halagang “savings†ng Senado, bagay na binatikos ni Sen. Miriam Santiago.
Ani Penson, katig siya sa hamon ni Sen. Santiago na siyasatin at ilantad ng Commission on Audit (COA) ang kabuuang kita ng mga mambabatas taun-taon. Kasama diyan ang basic salary, bonuses at honoraria sa gawain sa komite pati na ang aproprasyon na ipinasasahod sa kanilang mga staff at ang tinatawag na MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses at tinatanggap nila sa kanilang mga opisyal na foreign travel.
Sa kainitan ng verbal tussel nina Sen. Miriam at Sen. Ping Lacson, nagpatutsada ang huli. Aniya (Ping) na may kilala siyang senador (hindi pinangalanan) na pati ang ipinasusuweldo sa katulong at pang-grocery ay kinukuha sa aproprasyon ng Senado.
Tinawag pang “ipokrita†ni Lacson si Miriam sa pagtuligsa ng huli sa ginawa ni Enrile. Iyan yata ang dahilan kung bakit na-mild stroke si Miriam.
Tama naman si Penson. Bilang mga lingkod ng bayan, ang mga mambabatas, pati na ang ibang mga opisyal sa pamahalaan ay kailangang maging transparent sa mata ng publiko kaugnay ng lahat ng kanilang ginagawa na ginagastusan ng salapi ng bayan.
Dapat daw busisiin ng mga COA auditors sa Senado at Mababang Kapulungan ang sinasabing “savings†o kaya’y “secret funds,†na ayon kay Sen. Miriam ay mina-money-pula para maipamahagi sa mga mambabatas. Pero nilinaw naman ni Enrile na hindi naman sa bulsa ng mga mambabatas napupunta ito kundi dagdag na pondong gugugulin sa kani-kanilang mga opisyal na proyekto.
Si Mr. Penson ay tumaÂtakbong independent candidate para sa Senado at kung ganyan ang paninindigan niya ay malamang maharang ang mga magaganap pang distribusyon ng cacamonias tulad ng giÂnawa ni Manong Johnny kapag siya ay nahalal.
- Latest