^

Metro

15 pamilyang nasunugan, inayudahan ng Muntinlupa LGU

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 15 pamilya ang naapektuhan sa sunog na naganap sa isang residential area, sa Manatra, Barangay Buli, Muntinlupa City, Lunes ng gabi.

Umakyat lang sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula alas-6:56 ng gabi at idineklarang fire-out alas-8:00 ng gabi ng Agosto 19.

Nabatid na unang sumiklab ang apoy sa kusina ng  bahay ng isang John Balisi at pamilya nito sa Manatra, Brgy. Buli na kumalat sa mga katabing bahay, ayon sa ulat ng Fire Department III-Muntinlupa City Fire Station.

Nasa kabuuang 500 sqm ang kinatatayuan ng apektadong mga kabahayan kung saan tinata­yang nasa P175,000.00 ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy.

Walang nasaktan o nasawi  sa insidente

Umabot naman sa 40 truck ng bumbero ang rumesponde mula BFP, LGU at fire volunteers at mga ambulansya.

Inilikas ang mga apektadong pamilya sa co­vered court ng Brgy. Buli, na agad na pinuntahn ni Mayor Ruffy Biazon para alamin ang sitwasyon ng gabing iyon at ipinahanda ang hot meals.

Kahapon, Martes ay nagsasagawa ang Social Services Department (SSD) ng site mapping, assessment, at interview para maipamahagi ang Disaster Assistance Family Access Card (DAFAC).

Inihahanda na rin ang emergency relief kits na ipinamahagi sa mga nasunugan.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with