^

Metro

DOJ chief, nagtalaga ng OIC sa BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOJ chief, nagtalaga ng OIC sa BI
Kasunod ito nang ginawang pagsibak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kay Norman Tansingco bilang BI commissioner kamakalawa.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagtalaga na kahapon si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ng bagong officer-in-charge (OIC) ng Bureau of Immigration (BI).

Kasunod ito nang ginawang pagsibak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kay Norman Tansingco bilang BI commissioner kamakalawa.

Ayon sa DOJ, itinalaga ni Remulla si Deputy Commissioner Attorney Joel Anthony Viado bilang OIC ng BI.

Layunin nitong matiyak na tuloy pa rin ang serbisyo ng ahensiya sa publiko sa kabila nang naganap na transisyon sa pamunuan nito.

“It is essential that we assure our people that the services of our immigration bureau will remain uninterrupted and consistent regardless of any transition in leadership,” ayon pa Remulla, sa isang pahayag.

Nagpahayag din naman ang DOJ chief ng kumpiyansa sa kakayahan ni Viado upang pamunuan ang BI.

“Hence, I entrust the stewardship of the bureau to Deputy Commissioner Viado, who I believe is best fit for the position,” aniya.

Nabatid na epektibo kaagad ang designasyon ni Viado hanggang sa makapagtalaga si Pang. Marcos ng bagong BI commissioner.

Una nang sinabi ni Remulla na inaprubahan ni Pang. Marcos ang rekomendasyon niya na palitan na si Tansingco dahil hindi siya kuntento sa trabaho nito.

Dismayado si Remulla kay Tansingco dahil hindi umano nito ipinababatid sa kanya ang mga kaganapan sa BI, partikular na ang impormasyong nakalabas na pala ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with