^

Metro

10 huli ng NBI sa human trafficking, 27 naisalba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
10 huli ng NBI sa human trafficking, 27 naisalba
Ayon kay NBI director Jaime Santiago, sa 10 ay 6 ay Chinese na sina Shuang Yuan Wang, Shao Jian Yong, Fung Jie Sin, Huang Qi, Huang Shuai at Liu Ze Jun at apat na Pinoy na kasabwat na sina Rochelle Y Maglanque Magat, Ma Jessica Buenaventura, Justin Y Caladiao Cao at Faiudz.
National Bureau of Investigation/Facebook page

MANILA, Philippines — Dinakip ng pinagsa­nib na operatiba ng Human Trafficking, Orga­nized and Transnational Division, Technical Intelligence Division at Anti Violence Against Women ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung katao na res­ponsable sa “Lover Boy Tactic” operation gamit ang Telegram Platform sa Modus.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago, sa 10 ay 6 ay Chinese na sina Shuang Yuan Wang, Shao Jian Yong, Fung Jie Sin, Huang Qi, Huang Shuai at Liu Ze Jun at apat na Pinoy na kasabwat na sina Rochelle Y Maglanque Magat, Ma Jessica Buenaventura, Justin Y Caladiao Cao at Faiudz.

Anya ang grupo ay nagsasagawa ng human trafficking network sa Pasay City gamit ang social media at online platforms, generative AI, encryption at anony­mity tools at online market place sa kanilang illegal sex trade at nag-aalok ng trafficked victims para sa sexual service kasama na ang mga minors.

Pawang mga Chinese umano ang paruk­yano ng grupo dahil sulat intsik ang pangalan ng site pero mga Pinay ang inaalok sa mga kliyente.

Sinabi ni Santiago na sa 27 naisalbang mga biktima at 6 dito ay mga minor at ang mga ito ay nai-turn over na sa DSWD para sa kaukulang custody.

Nakuha mula sa mga suspek ang ibat-ibang klase ng sex toys, mga damit na gamit sa illegal operation.

Samantala, dalawa pang dayuhang suspek na sina Chresto Jun Saligumba Y Denso at Renier delos Reyes Y Castillano na Malaysian at Indonesian ang nahuli rin ng NBI gamit ang Facebook account na “SLIM” na may sex trade sa mga Pinay minors mula 13-anyos hanggang 17-anyos. Ang Slim anya ay nagbibigay ng 6 hanggang 8 babae para makipag-sex sa customer sa halagang P3,000 sa isang rented apartment sa QC.

Ang mga nasakoteng suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Anti Trafficking in Person Act of 2022 at Cybercrime prevention Act of 2012.

vuukle comment

ARRESTED

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with