6 PNP ranking cops binalasa
MANILA, Philippines — Anim na ranking police officials ang inilipat ng puwesto sa ipinatupad na revamp ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Francisco Marbil nitong Huwebes, Disyembe 19.
Kabilang sa mga binalasa ay sina Southern Police District (SPD) Director Brig. Gen. Bernard Yang, Col. Erosito Miranda, Col. Amante Daro, Col. Randy Glenn Silvio at Col. Rodel Pastor.
Si Yang ay itinalaga bilang hepe ng Anti-Cybercrime Group (ACG) at papalit kay dating ACG director Maj. Gen. Ronnie Cariaga, na itinalaga naman sa Area Police Command in Northern Luzon matapos na sibakin sa puwesto bunsod ng pagkakasangkot sa umano’y raid sa Philippine offshore gaming operator hub sa Maynila.
Magsisilbing acting Southern Police District chief si Brig. Gen. Manuel Abrugena na Deputy Director of Special Action Force (SPD).
Sakop ng SPD ang Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Pateros.
Samantala, si Miranda ay inassigned bilang officer-in-charge ng Regional Staff ng NCRPO Headquarters habang si Daro, ay Acting Deputy Directors for Administration of the Northern Police District (NPD); Silvio bilang Acting Deputy Directors for Administration Quezon City Police District (QCPD) at Pastor bilang , Acting Deputy Director for Operations ng SPD.
Sinabi ni Marbil na kailangan na ipatupad ang balasahan upang maiposisyon ang mga nararapat na opisyal sa puwesto.
Umaasa si Marbil na mas mapapalakas ng revamp ang kanilang kampanya laban sa mga krimen sa bansa.
- Latest