^

Metro

LRTA: LRT-2, dumanas ng power supply problem; nagpatupad ng provisionary service

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatupad ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng provisionary service kahapon matapos na dumanas ng problema sa power supply.

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), sa kanilang social media accounts dakong alas-7:23 ng umaga, nabatid na nagpatupad ang LRT-2 ng provisionary service o limitadong operasyon mula Antipolo Station hanggang V. Mapa Station at pabalik.

“Pansamantalang nagpapatupad ng provisionary service ang LRT-2 dahil sa power supply problem. Ang biyahe ng tren ay mula Antipolo hanggang V. Mapa station lamang at pabalik,” anunsiyo pa ng LRTA, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2.

Nangangahulugan ito na walang biyahe ang mga tren ng LRT-2 sa mga istasyon ng Pureza, Legarda, at Recto sa Maynila.

Samantala, dakong alas-12:30 naman ng tanghali nang muling magpaabiso ang LRTA na balik na sa normal ang operasyon ng LRT-2.

“Balik-normal na ang operasyon ng LRT Line 2. May biyahe na mula RECTO STATION hanggang ANTIPOLO STATION at pabalik. Mara­ming salamat po sa inyong pang-unawa!” anang LRTA.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with