^

Metro

3 arestado sa P10 milyong ‘sangla kolekta-benta’ modus

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalambat sa ikinasang entrapment operation ang dalawang babae at isang lalaki na sangkot sa ‘sangla kolek­ta-benta’ modus na umabot na sa halagang P10-milyon ang nata­ngay sa mga biktima, sa isang restaurant sa Muntinlupa City, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Alec”, 28, alyas “Christina”, 48; at alyas “Daniel”, 36.

Umabot naman sa 15 ang biktima ng mga suspect.

Sa ulat ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD), alas-3:00 ng hapon nang hulihin ang mga suspek sa loob ng isang restaurant sa Poblacion, Muntinlupa City.

Sa reklamo ng mga biktima, isang bahay na matatagpuan sa Sucat, Muntinlupa ang ipinakikitang isinasangla at pa­ngako na maaaring tirahan pansamantala ang bahay hanggang hindi pa tinutubos at sakaling mabigong tubusin ay mapupunta na ang pag-aari sa tumanggap ng sangla at isa pa ay ang malaking kikitain sa interes habang nakasangla ang bahay.

Upang makumbinsi ang mga biktima, naging pamato ng mga suspek ang notaryadong kontrata upang palabasin na legal ang transaksyon.

Nang makipagkita ang mga suspek sa isang restaurant sa mga biktima ay kumagat sa pain na malaking halaga ng pera.

Sa beripikasyon, natuklasan na si alyas Alec ay convicted sa kasong Batas Pambansa 22 (Bouncing Check Law) sa Valenzuela Metropolitan Trial Court Branch 101, na pinagbabayad ng multang ?400,000.00 at ?1-mil­yong civil liability.

Habang isinasagawa ang booking sa mga suspek, naglutangan pa ang iba pang nabiktima na maghahain ng karagdagang kaso ng large-scale o syndicated estafa.

vuukle comment

MUNTINLUPA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with