^

Metro

P2 milyong cash incentives mula sa Manila LGU, tinanggap na ni Yulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natanggap na ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel P. Yulo ang P2 milyong cash incentives na ipinagkaloob sa kanya ng Manila City Government, bilang pagkilala sa karangalang inihatid niya sa bansa.

Sa isang simpleng seremonya, na isinagawa sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall, personal na iniabot ni Manila Mayor Honey Lacuna kay Yulo ang isang symbolic check para sa naturang cash incentives.

Bukod naman sa naturang insentibo, nilagdaan na rin ni Lacuna ang ordinansa na ipinasa ng Manila City Council, sa pamumuno ni Vice Mayor Yul Servo, na nagtatakda sa Agosto 4, bilang “Araw ni Carlos Yulo” sa lungsod.

Paglilinaw naman ni Lacuna, ang naturang special day ay hindi holiday, kundi panahon nang pag-alala sa pagkapanalo ni Yulo ng kanyang unang gold medal sa Paris Olympics.

Anang alkalde, ang naturang “Araw ni Carlos Yulo” ay taunang okasyon upang suriin ang pag-unlad na nagawa sa patuloy na pagpupursige ng Maynila at Pilipinas na makabuo ng mas maraming Olympians at manalo ng mas maraming Olympic medals.

Samantala, nabatid din na layunin nina Yulo at Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion na makapagpadala ng isang men’s team at women’s team sa susunod na Olympics sa Los Angeles.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with