^

Metro

88 wanted nalambat sa isang araw na operasyon: P5 milyong droga nasamsam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 88 wanted person ang naaresto sa isang araw na Warrant Day operation ng Southern Police District (SPD) mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang hatinggabi ng Agosto 16, 2024.

Ayon kay SPD Director P/Brig. General Leon Victor Rosete, ang operasyon ay nagsasangkot sa maraming mga yunit ng SPD sa iba’t ibang mga lungsod, na itinatampok ang nakatulong na pagsisikap ng puwersa ng pulisya sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko at pagtataguyod ng batas.

Isa sa mga dinakip ang may 5-taon nang nagtago sa batas bilang Most Wanted Person na si alyas Nonoy, 35, ng Pasay City na may warrant of arrest sa paglabag sa R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act), na may inirekomendang piyansa na P120,000.00.

Samantala, nasa P5.1milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa isang linggong anti-criminality operations ng SPD.

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng 74 targeted operations na humantong sa pagkum­piska ng P5,128,374.40 halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto ng 105 drug suspects.

Mula Agosto 12-18, 2024, nasamsam ng SPD ang 741.17 gramo ng shabu at 736.82 gramo ng marijuana.

vuukle comment

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with