^

Metro

19-anyos tinodas ng katropa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na lalaki ang pinagbabaril at napatay ng kanyang mga katropa, kahapon ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center si Jayvie Pascual Clarion, ng Barangay Gulod, Novaliches, Que­zon City.

Batay sa report ng Que­zon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen dakong alas-3 ng madaling araw kahapon sa Villareal, Barangay Gulod, Novaliches, QC.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina John Carlo Manriza Mercene, 25; John Carlo Udtuha Ginga 21 at Paul Wilcon Betangcor Diaz, 23.

Lumilitaw na nasa loob ng bahay si Clarion kasama ang live-in partner na si “Jenny” nang tawagin ng kanyang kapitbahay at sinabing may naghahanap.

Ayon kay “Jenny” nakita niya sa labas ng kanilang bahay si Ginga at Diaz kung saan sumama ang biktima at tinungo si Mercene na nasa motorsiklo.

Agad na pinagbabaril ni Mercene si Clarion habang hinalughog naman nina Ginga at Diaz ang gamit ng biktima saka mabilis na tumakas.

Nakakuha naman ng tatlong basyo ng 9mm caliber ang pulisya.

Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with