^

Metro

Miyembro ng ‘basag kotse’ gang timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng �basag kotse� gang timbog
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang suspek na si Sonny Caro, 36.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang lalaki na hinihinalang miyembro ng ‘basag kotse’ gang ang dinakip nang makunan ng CCTV na binabasag ang bintana ng nakaparadang kotse at tangayin ang aabot sa P60,000 ha­laga ng mga personal na gamit ng isang negosyante sa Que­zon City kamakailan.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang suspek na si Sonny Caro, 36.

Napag-alaman na humingi ng tulong ang 29-anyos na negosyante na may-ari ng Toyota Fortuner sport utility.

Nabatid na nagsagawa ng follow-up ope­rations ang pulisya matapos makunan sa CCTV na binabasag ng suspek ang kaliwang bintana ng SUV na nakaparada sa F. Carlos St., Barangay Bahay Toro, bandang alas-8:40 ng gabi.

Agad na naaresto sa operation ang suspek.

Natangay ng suspek ang P33,000 cash gayundin ang mga sapatos, cell phone at sunglasses na nagkakahalaga ng P27,000.

Inihahanda na ng kasong theft laban sa suspek.

vuukle comment

QUE­ZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with