Sekyu nagwala, baril kinumpiska
MANILA, Philippines — Arestado ang isang security guard nang ireklamo ng panggugulo at pananakot sa isang dormitoryo, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si alyas “Benjamin”, na mahaharap sa reklamong paglabag sa Article 155 (Alarm and Scandal) at RA 10591(Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).
Sa ulat ng Sta. Mesa Police ng Manila Police District, dakong alas-3:45 ng madaling araw ng Hulyo 20, 2024 nang maganap ang insidente sa hallway ng Citihub Dormitory , sa 1st Street, Barangay 601, Sta. Mesa.
Sa reklamo ng roving manager ng dormitoryo, isang lalaking may hawak na baril ang nagsisisigaw ng masasakit na salita sa katahimikan ng madaling araw sa loob ng gusali.
Nirespondehan ng mga tauhan ng Police Community Precinct ng Sta. Mesa Police Station 8, kung saan inabutan pa ang suspek na patuloy pa sa pagwawala sa hallway ng ika-2 palapag habang may hawak na baril.
Hindi na pumalag nang arestuhin ang suspek at sinamsam ang hawak nitong Glock 19 Gen 4 na baril at 12 bala na may serial number ADNT462.
- Latest