^

Metro

‘Green Green Green Program’ inilunsad ng MMDA, DBM

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad nitong Huwebes ng gabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Local Government Support Fund (LGSF)-Green Green Green Program kasama ang Department of Budget and Management (DBM), gayundin ang inagurasyon at groundbreaking ng mga segment ng proyekto para sa Roxas Boulevard Promenade.

Ang dalawang programa ay tugon at suporta ng MMDA sa panga­ko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapaganda ng public open spaces at pagpapaunlad ng berdeng imprastraktura.

“The MMDA expresses its full support for the Green Green Green program, as it aligns perfectly with the authority’s mission to enhance the quality of urban living,” ani MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes.

Inilunsad ng DBM noong 2017 at unang tinukoy bilang “Local Government Support Fund-Assistance to Cities”,­ ang Green Green Green Program ay muling binuhay at nakahanay sa mga prayoridad ng administrasyon, gaya ng nakasaad sa Philippine Development Plan 2023-2028. Ang programa ay nakalinya sa Build Better More program ng Pangulo.

Bukod sa pagpapahusay ng mga pampublikong bukas na espasyo, ang programa ay naglalayon din na tulungan ang mga LGU sa paggawa ng kanilang mga komunidad na mas matitirahan, sustainable, at maayos na konektado sa pamamagitan ng pagpapatupad ng berdeng imprastraktura na dapat ay idinisenyo para sa kapaligiran, para sa katatagan, at para sa mga tao.

Nahahati sa apat na seksyon, bawat isa ay may natatanging tampok at aktibidad, ang Roxas Boulevard Promenade Park ay naisip bilang isang modelo ng inter-agency collaboration, na kinasasangkutan ng MMDA bilang pangunahing tagapagsulong at tagapagpatupad, ang Philippine Reclamation Authority (PRA) bilang may-ari ng lupa, ang Pasay City bilang partner na LGU, at Federal Land Inc. bilang private sector partner.

vuukle comment

DBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with