^

Metro

‘Unity Walk’ ng transport groups, payapang naidaos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Unity Walk� ng transport groups, payapang naidaos
Ang ibat-ibang transport groups na sumama sa inilunsad na “Unity Walk” mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola para suportahan ang PUV modernization program.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naging matagumpay at mapayapa ang ‘Unity Walk’ na idinaos ng iba’t ibang transport cooperative groups upang tutulan ang planong suspensiyong isinusulong ng Senado laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang magsimulang magtipun-tipon ang grupo sa Welcome Rotonda at saka sama-samang nagmartsa patungo sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon sa MPD, dakong alas-9:40 ng umaga nang simulan ng grupo ang programa sa Legarda St., kanto ng Mendiola St. sa Maynila, at nagtapos dakong alas-10:12 ng umaga.

Sa naturang protesta, iginiit ng mga transport leaders na ibasura ang Senate Resolution no. 1096 na nagrerekomenda ng temporary suspension sa PUVMP.

Anila pa, hindi na dapat pang suspendihin ang PUVMP at sa halip ay dapat na magkaroon ng budget ang programa ngayong 2024.

Pasado ala-1:00 ng tanghali naman nang boluntaryo nang mag-disperse ang grupo at magsiuwi.

Sa pagtaya ng MPD, nasa mahigit 500 indibidwal ang lumahok sa protesta.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with