^

Metro

Higit P38 milyong counterfeit products, sinamsam ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may P38.9 milyong halaga ng mga counterfeit products tulad ng mga pekeng bags, Oakley at Rayban products sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba sa Pampanga at Binondo, Maynila.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang mga nakumpiskang kontrabando ay batay sa 17 search warrant na naipalabas ng korte kaugnay nang naging  paglabag sa RA 8293 o Intellectual property Code of the Philippines ng ibat- ibang establisimento sa naturang mga lugar.

Ayon kay Santiago, sa Angeles City Pampangga, nasa P15.9 milyong halaga ng counterfeit items ang nasamsam mula sa Fabiano MNL Trading, Two Six Eight Shoppers at Happy Go Shopping center at sa Save Star at GT7 Go Shoppe Department Store sa San Fernando Pampanga na pawang nagbebenta ng pekeng eyewear at bags.

Nakumpiska naman mula sa Tick Tock Watch Store at DMF Fashion and Accessories Shop sa 168 Shopping Mall, Binondo, Manila ang mga pekeng  Oakley at Rayban na may halagang P22,9 milyon.

Ang Search Warrants ay nag- ugat sa reklamo ng Quisumbing Torres Law Office na ang kanilang kliyente ay naaapektuhan na ang negosyo dahil sa mga naglipanang pekeng Oakley at Rayban pro­ducts sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan si Director Santiago sa publiko na huwag bilhin ang mga pekeng produkto upang maiwasang mabiktima ng mga tiwa­ling negosyante.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with