^

Metro

Noise barrage nauwi sa riot: 60 preso, 20 BJMP officers sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Noise barrage nauwi sa riot: 60 preso, 20 BJMP officers sugatan
Sa ulat mula sa tagapagsalita ng BJMP na si Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, pawang minor injuries lamang ang natamo ng mga miyembro ng BJMP at PDLs at nabigyan na ng medical attention.
STAR/File

‘Cashless system’ sa Rizal jail, iprinotesta

MANILA, Philippines — Sugatan ang nasa 60 persons deprived of liberty (PDL) at 20 miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang mauwi sa riot ang isinasagawang noise barrage sa loob ng San Mateo Jail sa San Mateo, Rizal, Biyernes ng gabi.

Sa ulat mula sa tagapagsalita ng BJMP na si Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, pawang minor injuries lamang ang natamo ng mga miyembro ng BJMP at PDLs at nabigyan na ng medical attention.

Nag-ugat umano ang kaguluhan nang manghikayat ang pitong PDL sa kanilang mga kasamahan na magsagawa ng noise barrage upang iprotesta o kontrahin ang pagpapatupad ng cashless system sa loob ng piitan, kung saan hindi makakahawak ng pisikal na cash ang mga preso.

Sinubukan pa umanong makipagnegosasyon ng mga awtoridad, sa mga nag-aalsang PDLs subalit hindi na napigilan ang pagbabasag at paninira ng mga kagamitan ng BJMP sa piitan na nauwi sa riot.

Sumaklolo rin maging ang local na mga tauhan ng Philippine National Police at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Mateo sa kaguluhan na napayapa din ng halos madaling araw na ng Sabado.

Na-isolate na ng selda ang pitong PDLs na nagpasimuno umano ng noise barrage na nauwi sa karahasan.

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with