^

Metro

Umbagerong mister, todas sa misis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Umbagerong mister, todas sa misis

Pananakit hindi natiis

MANILA, Philippines — Patay ang isang  lalaki nang saksakin ng  kanyang live-in partner na hindi na matiis ang ginagawang pananakit ng una, kamakalawa  ng gabi sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa FEU Ge­neral Hospital ang biktimang si  John  Louis Solomon, 22, warehouseman, residente ng Barangay Commonwealth, ­Quezon City.

Nasa kustodiya  naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspect na si Krizel Baterna Concepcion, 22.

Lumilitaw na nangyari ang krimen  nitong Sabado  bandang alas-8 ng gabi sa bahay ng mag-live in partners.

Ayon kay Angel kapatid ng suspek, nasa banyo siya nang marinig niya ang pag-aaway ng biktima at suspek.

Nang kanyang puntahan, dito niya nakita ang biktima  na naliligo na sa dugo habang umiiyak ang kapatid .

Batay naman sa kuha ng CCTV  duma­ting ang biktima  sa bahay  at nagkaroon ng  mainitang pagtatalo  sa suspek.

Makikita ring kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib malapit sa puso.

Gayunpaman, humingi ng tulong ang suspek at kapatid at dinala sa ospital ang biktima.

Napag-alaman naman sa suspek hindi na niya matiis ang pananakit ng biktima sa tuwing sila ay  mag- aaway.

Kaya nang magkaroon sila ng pagtatalo, inunahan na niya ng saksak ang biktima.

Pinagsisisihan din aniya ang kanyang nagawa sa ka-live in ng 6 na taon.

vuukle comment

FEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with