^

Metro

Delivery rider, patay sa obrerong kanyang babarilin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Delivery rider, patay sa obrerong kanyang babarilin
Dead on the spot ang biktimang si Jeffrey Satol, 42, delivery rider, ng Baseco Compound, Port Area, bunsod ng tama ng baril sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang delivery rider nang mabaril ng isang obrero na babarilin umano sana niya, matapos siyang maagawan nito ng baril sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Jeffrey Satol, 42, delivery rider, ng Baseco Compound, Port Area, bunsod ng tama ng baril sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman sa follow-up operation ang suspek na si Macmod Saban, 28, laborer, ng Baseco Compound, Port Area.

Lumilitaw sa ini­syal na pagsisiyasat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa Block 9 sa Baseco Compound, sa Port Area.

Bago ang pamamaril ay naglalakad umano si Saban sa naturang lugar, nang bigla na lang siyang lapitan ni Satol.

Sa ‘di pa matukoy na dahilan ay bigla na lang umanong nagbunot ng baril si Satol at itinutok ito kay Saban.

Nagawa naman umano ni Saban na agawin ang baril mula kay Satol at kaagad na ipinutok sa kanya, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Tumakas si Saban ngunit nadakip din ng mga awtoridad.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente para mabatid ang ugat ng naganap na krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with