^

PSN Showbiz

Coco mayaman na talaga, tuloy ang pagbili ng property sa Spain?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco mayaman na talaga, tuloy ang pagbili ng property sa Spain?
Coco Martin

Mayaman at bagong bihis na Coco Martin bilang “bagong Tanggol” ang masusubayan sa mas maaksyong FPJ’s Batang Quiapo.

Biglang nagbago ang kapalaran ni Tanggol dahil matagumpay niyang ibinenta ang diyamanteng Star of Venus sa mayamang negosyanteng si Divina (Rosanna Roces). Kapalit nito, kasosyo na si Tanggol sa negosyo ni Divina na milyun-milyon ang halaga.

Sa kabila ng pagyaman ni Tanggol, mukhang hindi pa rin siya tatantanan ng kaliwa’t kanan na gulo dahil makikilala niya ang ilang makapangyarihang grupo na sangkot sa iligal na negosyo.

Sabik naman ang netizens sa bagong Tanggol at inaabangan na rin nila ang mas kapana-panabik na action scenes.

Astig na raw si Coco.

Well, mas madali na kay Coco ang role na mayaman dahil diumano ay nagbabalak itong bumili ng house and lot sa Spain.

Pinapayagan sa Spain ang non-EU nationals sa pamamagitan ng property investment para sa  golden visa at magiging eligible ang Filipino citizen para mag-apply for citizenship pagkatapos ng two years tulad kay Bea Alonzo.

vuukle comment

ACTOR

COCO MARTIN

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with