^

PSN Showbiz

Stell at Pablo, proud retokado!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Stell at Pablo, proud retokado!
STELL
STAR/ File

Matapang na sinagot ng isa sa miyembro ng SB19 na si Stell ang tungkol sa pagsailalim niya sa surgical enhancements sa programang Fast Talk With Boy Abunda.

Madalas nga raw siyang tanungin at kahit ang mga kaibigan niya ay tinatanong siya kung nagparetoke nga ba siya at lagi niya raw sinasabi o sinasagot sa mga ito ay “Oo, hindi ba obvious?”

Sinasagot daw talaga niya ang mga kaibigan nang diretsahan dahil kung tumanggi raw siya ay hindi rin naman ito maniniwala.

Wala naman daw kasing mali sa pagpaparetoke para sa kanya.

Sigurado nga raw siya na kung ang kaibigan niya ang tatanungin at kung may pera lamang ito ay magpapagawa rin ito na hindi naman na bago ngayon.

Kung may kakayahan naman nga raw ang isang tao na magparetoke ay walang masama dahil hindi naman iyon hinihingi kundi pinag-iipunan at pinagtatrabahuhan.

Sinang-ayunan naman ito ng kapwa niyang miyembro ng SB19 na si Pablo dahil nakakadagdag pa nga raw ito sa confidence ng isang tao.

Noon daw ay never talagang pumasok sa isipan niya na magpabago ng hitsura pero hindi niya raw namalayan na isang araw ay nagpapa-filler na siya sa noo. Doon niya napagtanto na nakaka-boost pala talaga ito ng confidence.

Marami nga kasing mga celebrity ang hindi inaamin kapag nagpaparetoke sila na tila kinakahiya nila pero ang dalawang ito ay hindi nila kinahiya. Kaya bongga sila.

Sylvia, swerte sa mga anak

Isa sa paborito kong tao si Sylvia Sanchez, nanay ni Arjo Atayde. Ang father niyang si Art Atayde ay isa rin sa mga tao na talagang mapagtitiwalaan mo.

Suwerte sina Sylvia at Art sa mga anak nila na mababait at magalang. Kaya naman talagang suwerte sila sa buhay na talagang hindi nagbago mula ng umpisa hanggang ngayon.

Kaya nga isang malaking asset sa magkapatid na Arjo at Ria ang mga magulang nila. At maganda rin na lumaking mababait na tao ang kanilang mga anak.

vuukle comment

STELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with