^

Metro

3 lalaki, huli sa ilegal na droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 lalaki, huli sa ilegal na droga
Ang mga suspek ay kinilalang sina Ryan Tobias, 39, pintor; Gerimias Saldariega, 28, sca­venger, miyembro ng Sputnik Gang at Francis Cabrera, 24, helper, miyembro ng Sputnik Gang, pawang residente ng Tondo, Manila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestdong mga awtoridad ang tatlong lalaki dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ryan Tobias, 39, pintor; Gerimias Saldariega, 28, sca­venger, miyembro ng Sputnik Gang at Francis Cabrera, 24, helper, miyembro ng Sputnik Gang, pawang residente ng Tondo, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Police Station 1, nabatid na dakong alas-7:10 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa isang operasyong ikinasa sa tapat ng Building 11, sa Aroma Compound, Tondo.

Nauna rito, nakatanggap umano ang mga tauhan ng Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP) ng tawag sa telepono hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon.

Mabilis namang inaresto ang mga suspek matapos na mahulihan ng tinatayang aabot sa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu, na may estimated street value na P10,200.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

vuukle comment

RYAN TOBIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with